HAPPY KAMI sa kaganapan ng career ng anak-anakan naming si Michael Pangilinan. Dahan-dahan, sa pagtitiyaga niya ay nagbubunga na at isa-isa na itong nagkaroroon ng linaw.
Tonight, Friday, susubukan ni Michael ang pagsampa sa entablado sa stage musical ng dati’y dula lang na Kanser@35 where he plays Crisostomo Ibarra sa direksyon ni Frannie Zamora na magaganap sa AFP Theater at may mga succeeding shows sa September until October.
Bukas, Saturday, August 29, ang major concert naman niya sa Music Museum with the Original Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hadji Alejandro na pinamagatang “Kilabot meets Kilabot”. Sayang nga lang at hindi makasasama ang isa pa sa mga Kilabot ng mga Kolehiyala of the 90’s na si Ariel Rivera dahil may previous commitment ito. Sa concert ni Michael with his idol Hadji, kasama sa repertoire niya ang sikat na awitin in the 70’s ni Hadji na “Tag-ulan, Tag-araw” na superhit during that time.
Bukod sa concert, first attempt din ni Michael na umarte sa harap ng kamera as the love interest of Edgar Allan Guzman sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako sa direksyon ni Joven Tan, kung saan special guest si Nora Aunor sa pelikula.
Ang taong 2015 ay masuwerte for Michael dahil siya ang kumanta ng theme song ng super hit movie na The Love Affair nina Richard Gomez, Bea Alonzo, at Dawn Zulueta na “Crossroads” na ibang-iba ang style at rendition kumpara sa original na kumanta.
Sa totoo lang, nasa kalagitnaan pa lang tayo ng 2015 at alam ko, marami pa ang kasunod na mga project for Michael.
Reyted K
By RK VillaCorta