KONTROBERSYAL ANG Himig Handog P-Pop Love Song entry ni Joven Tan this year na ang title ay ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’ na si Michael Pangilinan ang interpreter. Tungkol ito sa kakaibang relasyon ng bading sa isang straight guy.
Mapangahas din ang music video nito na ginawa ng mga estudyante ng University of the Philippines. Kitang-kita rito ang marubdob na pagnanasa ng isang pamhin sa kaibigan niyang lalaki.
Ang nakatutuwa, kahit kakaiba ang kind of love na tinatalakay sa kanta ni Joven, mainit itong tinanggap ng publiko. Nagpahayag din ng suporta ang LGBT community kina Joven at Michael para sa Himig Handog entry nila.
Nag-isyu pa ng official statement ang secretary-general ng LGBT na si Bemz Benedicto to show their support to Joven and Michael. Read on:
“Buong puso kaming nagpapasalamat kay Direk Joven Tan sa patuloy niyang mapangahas ngunit sensitibo at disente niyang nailalarawan ang buhay pag-ibig ng mga Pilipinong LGBT. Ang amin ding pasasalamat kay Michael Pangilinan dahil tinanggap niya ang hamon na maiparating ang mensaheng ito para sa lahat. Para sa amin, makatutulong ito na isang straight guy ang kumanta para magawang mainstream ang issues ng mga LGBT. Naitatawid niya nang maayos ang tunay na katauhan ng mga LGBT. Maraming Salamat din kay Kapatid Jobert Sucaldito sa pagtitiwala sa kantang ito at sa talento ni Michael Pangilinan at paghubog niya rdito para maging LGBT-friendly and ally. Ito na ang isang malaking kontribusyon ni Jobert sa laban ng Pilipinong LGBT upang maging positibo at disente ang pagtingin sa ating hanay. We will rally behind the song completely.”
Gaganapin ang Himig Handog P-Pop Love Songs sa Araneta Coliseum sa Sept. 28, 8 p.m.
La Boka
by Leo Bukas