Bukas ng gabi (Friday, March 18) na ang concert ni Michael Pangilinan na magaganap sa Music Museum entitled, “Michael Pangilinan: Really…Michael Sounds Familiar”, kung saan special guest niya si Garie Concepcion (anak ni Gabby kay Grace Ibuna).
Kung inaakala ng mga detractors ng hot and sexy singer na nakaapekto kay Michael Pangilinan ang lumabas na sex scandal niya sa social media, nagkakamali ang mga naiinggit sa magandang takbo ng kanyang career.
Sa katunayan, nakadagdag pa nga ng appeal kay Khiel (palayaw ng singer) ang nangyaring pagkakamali niya (yes, inamin ni Michael na siya ‘yun and it was years back noong kabataan pa niya), na lalong nagbigay sa kanya ng respeto at paghanga mula sa mga fans niyang mga kababaihan at mga mommy at nanay ng mga ito dahil inamin ni Khiel ang responsibilidad.
Kaya nga after the “storm”, ‘ika nga, ng kanyang video scandal, life goes on, parang dumaan lang ang ulan sa tag-araw na hindi namalayan na nabasa pala ang lupa nang panandalian.
“Thankful ako dahil naintindahan ng ma fans. Sorry talaga sa nangyari,” paumanhin ni Michael sa pangyayari.
Sa ngayon, back to a more serious Michael muli ang singer lalo pa’t left ang right ang mga projects na dumarating sa kanya.
Bukod sa concert niya bukas, isa si Michael sa mga interpreters para sa Himig Handog PPop 2016, kung saan ang awitin na in-interpret nila ni Angeline Quinto na “Parang Tayo Pero Hindi” na komposisyon ni Marlon Barnuevo ay isa sa ini-expect na maging top three finalist sa kompetisyon sa magaganap na grand finals sa April 24 sa Kia Theater sa Cubao.
Bukod sa mga events na ito, sa May 4 naman ay mapanonood na ang first movie ni Khiel na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na halaw sa awitin na kinanta ni Michael noon sa Himig Handog PPop na komposisyon ni Joven Tan na siya ring nag-direk ng gay themed na pelikula, kung saan partner ni Khiel ang aktor na si Edgar Allan Guzman. Ire-release ng Viva Films ang pelikula, kung saan based sa reviews ng mga online bloggers, positive sa kanila ang acting ng singer at maging ang tema ng pelikula.
Sabi nga ng mga nakapanood ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, the film is sexy, witty, and funny na walang pretension. Basta happy lang ang feeling.
Reyted K
By RK VillaCorta