Hanggang ngayon, napanindigan ni Michael V na gumawa ng serye or sitcom sa kahit anong network, dahil wala siyang pinipirmahang kontrata kahit kanino.
Ayon kay Michael, mas maganda raw ‘yun. Puwede ka sa kahit saang network, as long na wala kang tinatapakan.
Nang alukin siyang gumawa sa TV5, isa sa kundisyon ay walang exclusive contract, per project lang.
Kaya naman hanggang ngayon, wala siyang kontrata kahit saan. Ang pinag-uusapan na lang ay loyalty at kung masaya pa ba siya sa ginagawa niya.
Sa tagal na niyang nagpapatawa ay hindi raw sumagi sa isip niya na nagsasawa na siya sa pagbibigay ng kasiyahan, lalo na kapag kasama na niya ang Bubble Gang barkada.
Napamahal na kay Michael V ang “Bubble Gang” na napanonood every Friday sa GMA 7.
Magmula noon hanggang ngayon, kasama siya sa grupo ng show na nagsa-suggest ng bagong jokes na puwedeng mag-klik sa segment, kaya hindi nagsasawa ang followers at televiewers ng longest-running gag show sa telebisyon.
Ano naman ang masasabi niya sa mga artista na nagsimula sa BG, pero ngayon ay wala na sa gag show?
Okey lang daw at walang problema sa kanilang BG barkada. As long na hindi raw nawawala ang respeto at pagmamahalan nila bilang isang pamilya ay mananatili silang buo pa rin.
May aalis pero mayroon ding darating na baguhan na magbibigay din ng kasiyahan. Tulad ni Kim Domingo na magmula nang mapasama sa BG, naging instant big star at ngayon ay pantasya na ng bayan.
Ngayong Friday, kasama ni Michael V sina Mark Herras, Ryan Eigenmann, Arra San Agustin, Aryan Bautista, Jak Roberto, at Marika Sasaki sa Bubble Gang para magbigay-kasiyahan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo