BLIND ITEM: Break ng isang taping ng isang daily soap naganap ang buong-pagmamalasakit na paninita ng isang beteranong aktres sa isang child wonder. “Oh my God, anak, huwag mong paglaruan ‘yan, baka madisgrasya ka!” sabi ng nakatatandang aktres sa bagets na nahuli niyang naglalaro ng kable ng mga kamerang nakapalibot sa kanilang pinagteteypingan.
Any moment nga naman, baka hilahin ang mga kableng ‘yon sa change of location, kung nagkataong pinaglalaruan nga naman ‘yon ng bagets ay posibleng mabuwal siya o madaplisan ng hagupit nito.
Tumingin lang daw ang bagets sa babalang ‘yon sa kanya, sabay sabing, “Tita, bad ‘yon.” Takang-taka naman ang veteran actress kung anong “bad” ang tinutukoy ng child wonder. “Bakit, anak, what did I say?” Sagot ng bagets, “‘Di ba, bad ‘yung sinabi mo na ‘Oh, my God!’”
Depensa naman agad ng beteranong aktres, “Anak, ‘di ‘yon bad. Expression lang ‘yon kapag nagulat ang isang tao. Kapag Tinagalog mo ‘yon, it means ‘Diyos ko!’ So, walang bad du’n.” Sa puntong ‘yon ay medyo nauunawaan na raw ng murang kaisipan ng bagets ang kahulugan ng mga katagang ‘yon, but like any inquisitive child ay tinanong nito ang matandang kausap, “Tita, para din po bang expression ‘yon na, ‘What the fuck’?”
Naloka si Tita sa tinuran ng bagita!
MISTULANG NAGLALAKAD nang walang ulo si Michael V, unbeknownst to him ay siya pala ang sentro ng paksa ng kanyang mga katrabaho sa kanilang Sunday show ni Ogie Alcasid sa GMA. Michael V a.k.a. Bitoy also dabbles as the program’s creative consultant, mas angat pa ang kanyang posisyon sa itinatalagang headwriter nito who ideally calls the shots.
Sadly, this is not the way Ogie and Bitoy’s show operates, the latter ultimately has the final say in all VTR scripts na kapag hindi raw nakapasa sa kanyang creative standards(?), such materials literally find their way to the trash bin kesehodang pinagpaguran ‘yon ng writers’ pool.
Since it piloted, not a single episode ng panooring ‘yon have we missed, palibhasa’y pre-programming ‘yon ng lingguhang James Bond movies to which we are rabidly addicted. At sa pagsubaybay ng show na ‘yon, minsan na naming isinulat (with enough conviction, ha?) that Bitoy is not cut out for hosting, whether he likes it or not!
Bluntly put, komedyante si Michael V, hindi siya host, he might as well stop pretending to be someone that he is not, and he cannot be. Aware kaya si Bitoy sa collective impression na ito ng kanyang mismong co-workers?
Compared to his Pareng Ogie, this is one department (hosting) that Michael V should realize he does not excel in, not a bit. Let him slip into a character, du’n epektibo si Bitoy—in all his ostentacious display of kabaklaan—but as a host, helloooo!
Ito umano ngayon ang kinakaharap na problema ng buong staff trying to endure Michael V’s working habits in silence. Mukha raw kasing sarado ang utak nito (o sobrang bilib sa sarili) sa mga creative input ng kanyang mga co-worker, with him ramming down everyone’s throat sa gusto niyang mangyari sa show gayong hindi naman ito nagki- klik sa mga manonood.
Ilang Sunday nang pinakakain ng alikabok ng katapat nitong programa sa ABS-CBN ang show na mistulang pag-aari at pinaghaharian ni Michael V. Unless this know-it-all creative mind shapes up, baka mapadali ang “pagsosolian ng kandila” ng mga kumpare over a newly baptized show dahil sa basbas ni Bitoy.
HINDI NA napigilang pumagitna ni Bem Benedito, ang kauna-unahang Congressional nominee ng Ladlad party-list, sa bangayan ng mga byukonerang bakla sa episode ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang Mga Beking Proud Maging Pangit Nagngingitngit… Korona Kasi Nila’y Sinungkit, Pati Papa Ay Dinagit!
Hirit ni Ramona, dinaya raw siya sa Ms. Gay Pangkalawakan exclusively para sa mga tsakang bakla, ayaw ring paawat ni Mama Rey na isa ring talunan; these two bekis point their accusing finger at Michael alias Halfmoon na nandaya raw. Inahas din daw ni Halfmoon ang papa ni Ramona.
Hindi roon nagtapos ang bangayan ng mga bading, itsurang nagdaos ng isang mini-Ms. Gay Pangkalawakan sa programa ni Amy Perez. Pero umalma na si Bem ng Ladlad, “Mga kapatid na beki, sumali kayo sa pagandahan hindi sa papangitan! Salot na nga ang turing sa atin ng lipunan, ipakita natin sa kanila na tayo ay magaganda! Huwag nating ilagay sa kahihiyan ang ating mga sarili!”
Pasok sa banga!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III