SA MGA ARTISTA natin sa showbiz, si Michael V. o Bitoy ang isa sa main source natin of ‘positive’ vibes. Karamihan sa atin ay kinalakihan na ang mga gag shows na sinalihan nito tulad ng Tropang Trumpo, Bitoy’s Stories, Pepito Manoloto at ang still ongoing and best gag show in Philippine TV na Bubble Gang.
Sa kanyang YouTube channel ay isang ‘positive’ news na ayaw natin marinig ang kanyang ibinalita – siya ay nag-positibo sa Covid-19.
Ito ang nakakagulat na rebelasyon ng paborito nating komedyante na ikinalungkot ng maraming manonood.
“Please watch, understand and learn. I posted this para sa kapakanan ng lahat, malayo man o malapit sa akin. Hindi biro ang COVID.” isinulat ni Bitoy sa description box ng kanyang latest video upload.
Sa kanyang 15 minutes 28 seconds video ay na-document ni Bitoy ang kanyang mga pinagdaanan – from Day 1 kung saan nakaramdam siya ng mild symptoms habang nagrerecord ng isang vlog, Day 4 nang mawalan siya ng pang-amoy at panlasa hanggang sa ito’y pumila para sa swab test sa isang ospital na ipinakita rin niya ang proseso, paghahanda sa pamamagitan ng social distancing sa kanilang bahay at pagtanggap niya ng kumpirmasyon via email na siya ay positibo sa Covid-19.
To double check, tumawag mismo ito sa ospital at on camera ay nairecord ni Bitoy ang nakakalungkot na balita.
“Right now, fever na lang. Yung loss of smell, parang nare-regain ko na. So, fifteen days after…” sagot ni Bitoy sa medical staff na kanyang tinawagan.
“Positive just as what we suspected early on.
“Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko, and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID.
“Pero I was also praying na sana, wala. Sana allergy lang or something.
“But it turns out… itutuloy lang natin yung mga sinabi sa atin na mga kailangan gawin and we’ll get through this.
“We’ve been through worse, sobrang name-miss ko na ‘yung pamilya ko,” naiiyak na sambit ng magaling na komedyante.
Hindi palalabas ng bahay si Bitoy at madalas na work from home ang kanyang ginagawa bilang bida at headwriter ng Pepito Manoloto at Bubble Gang, ang dalawang programa na dapat ay magreresume na ng kanilang taping soon. Mukhang postponed na rin muna ito dahil mas mainam na mag-concentrate sa pagpapagaling ang aktor.
Sa video ay nalaman namin ang kamahalan ng isang swab test at kung gaano ito kaseryoso. Si Bitoy na madalas ay nasa bahay lang ay nahawa. Paano pa kaya ang mga madalas na nasa labas lalo na ang mga frontliners?
Naka-isolate sa kanyang home studio/office si Bitoy para maiwasan na mahawaan ang kanyang pamilya. We’re praying for your fast recovery, Bitoy!