INAMIN NI Michael V nang makatsikahan namin sa dining hall ng Kapuso Network na wala siyang kontrata sa GMA 7, per project lang daw ang kontrata niya, kaya anytime, puwede siyang lumipat ng network.
“Wala ako kontrata sa GMA 7. Pero kasama at kasunod niya ay palabra de honor. Kapag pinagkatiwalaan at inalagaan mo naman ako ay hindi importante ang kontrata. Sisiguruhin ko na mananatili ako sa network,” say ni Michael.
Ask kung may offer siya sa kabilang network na name your price pa raw ang ini-offer?
“No, walang offer sa akin. Totoo, may feeler. Kung mayroon ay malalaman ko kaagad kay misis, na tumatayong manager ko. Maganda naman ang pag-aalaga sa akin. Bakit ako lilipat? Unless ayaw na nila ang serbisyo ko,” say pa ni Michael.
Bago pala siya napunta ng GMA 7 ay nasa ABC 5 pa siya. Nahirapan daw siyang nang tanggapin ang offer ng Kapuso Network dahil may kontrata pa siya sa Singko at mataas ang rating ng programa niya na Tropang Trumpo.
“Noong time na ‘yun talaga ang pinakamahirap na naging desisyong ginawa ko. Kasi mataas ang rating ng show namin sa ABC 5, tapos ‘eto ang offer ng GMA 7 para sa isang gag show na Bubble Gang.
“Kailangan kong magdesisyon kaya kahit mahirap sa loob ko ay tinanggap ko ang BG na hindi naman ako nagkamali dahil magse-celebrate na kami ng 17th years sa Bubble Gang.
“Nagpaalam naman ako nang maganda sa Singko that time. Yes, may kontrata pa ako pero may nakita ka-ming butas sa kontrata,” pahayag pa ni Michael V.
Ina-min din ni Mi-chael, na gusto na nilang tapusin ang Bubble Gang pero habang tumatagal ang show ay dumarami ang tagasuporta at pagpasok ng mga baguhan at mga sikat na artista.
Tulad din daw ang naramdaman nilang Bubble Gang barkada sa naramdaman ng Eat Bulaga barkada na habang tumatagal ay mas nagiging challenging ang susunod nilang gagawing pagpapatawa.
Ngayon, magse-celebrate na sila ng 17th years kaya kakaiba ang inihanda nila sa darating na Friday na siguradong ikaliligaya ng viewers ng Bubble Gang.
SUPER PROUD na ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez sa panganay nilang anak na si Arjo Atayde ngayong ganap na itong actor.
Dati kasi ay tutol na tutol ang ama ni Arjo na pasukin nito ang showbiz pero lately din ay napagtanto ni Boss Art na nasa dugo ng panganay nilang anak ni Sylvia ang pag-aartista.
Tsika ni Arjo, 13 years old pa lang siya nang mag-auditon sa Star Magic sa ABS-CBN pero nabigong matanggap. Tatlong beses siyang nagpumilit uling mag-auditon. Una nga ay 13 siya, pangalawa ay 16 years at pangatlo ay nasa edad 19 years old na siya.
Pero hindi pa rin siya natanggap hanggang maisipan pa uli niyang mag-auditon at naging mapalad na rin siyang nakuha at naging Star Magic talent.
Nabigyan ng break gumanap na lead actor sa MMK na Bangka, kung saan siya napansin na may ibubuga pagdating sa drama.
Hindi makalimutan ni Arjo na habang nagte-taping daw siya sa malayong lugar ay nakakatanggap siya ng congratulation sa mga kasamang co-Star Magic talents.
Nalaman na lang niya na kaya siya binabati ng mga kasamahan ay nominado siya sa PMPC Star Awards for TV as Best New Male TV Personality.
Pero nang malaman daw niyang nominado rin siyang Best Actor in Single Performance ay napaiyak siya dahil ‘di niya akalain na mapapansin ang acting niya sa pagganap niya sa episode ng MMK na Bangka.
“Nasa sasakyan ako pauwi ng bahay nang malaman ko rin na nominado ako sa Best Actor in Single Performance. Napaiyak talaga ako hanggang sa kuwarto ko. Isang malaking karangalan po sa isang tulad ko na baguhan na mapansin at mapasama sa mga sikat na magagaling din na actors sa naturang category,” pahayag ni Arjo.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo