Michael V, umaaray sa tax ng bahay sa Tate

Michael-VHINDI NAITAGO ni Michael V ang pagkadismaya sa sobrang laki ng binabayaran niyang amilyar sa nabiling bahay sa States.

Dahil sa laki, hindi na nga napigilan ni Bitoy na magreklamo dahil akala niya naka-jackot siya nang mura niyang nabili ang nasabing bahay sa Tate, pero tinaga naman siya sa tax.

Nanghihinayang naman daw siya na ibenta na lang ang nabiling property at hindi tirhan dahil nakatiwangwang lang ito roon.

Tsika pa ni Bitoy nang una nga raw ay bilib na bilib siya nang bilhin ang bahay dahil bukod sa mura ay maganda pa ang lugar.

Pero nang magsimula na raw siya magbayad ng tax, doon na niya naramdaman na masakit sa bulsa. Gusto niyang ipa-renta na lang muna ang bahay para gamitin na rin pambayad sa property tax.

Anyway, kaya pala sa tuwing may pagkakataon ay isinasama ni Bitoy ang asawa’t mga anak sa pagta-travel para raw mas makapit ang pagsasama ng isang pamilya.

Kuntento na rin siya sa mga project or show na ginagawa sa GMA-7 at TV5. Basta makapagbibigay raw siya ng saya sa televiewers ay isang kasiyahan na ito para sa kanya na hindi matutumbasan ng kahit anong bagay.

Hinding-hindi raw mangyayari na lalayasan at iiwanan niya ang mga kasama sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa Kapuso Network.

MULING MAKAKASAMA ni Benjamin Alves si Kylie Padilla sa Adarna, bagong telefantasya ng GMA-7 na magsisimula sa Monday, Nov.18. Una silang nagkasama sa Unforgettable na naging maganda ang experience niya sa dalaga ni Robin Padilla.

“I love working with Kylie. We have this rapport when we do our scenes together. Madali siyang katrabaho, kasi pareho kaming makulit. Kaya we get along very well.

“Kaya nang sinabi nila na isa ako sa tatlong magiging leading men ni Kylie sa Adarna, I got excited kasi masarap siyang kasama sa work.

“There’s no boring moment with her. Titingnan ninyo siya na tahimik but Kylie is a very funny girl,” say pa ni Benjamin.

For the first time ay gaganap siyang bad boy na malayo sa mga ginampanan niyang role na sosyal at may breeding.

“Kanto boy ako rito sa Adarna, named Bok. Natuwa ako kasi it’s very malayo sa role ko sa Coffee Prince and Unforgetable.

“It’s really a character role and I had to observe other people just to get that right movement at sa pagsasalita. It’s really liberating and I get to play around with my role,” say ni Benjamin.

Ikinatuwa rin ni Benjamin na nakasama sina Geoff Eigenmann at Mikael Daez na mga leading man din ni Kylie sa Adarna.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleOnline Shopping: Hindi Ka Na Mapapagod, Makatitipid Ka Pa
Next articleNag-inarte

No posts to display