ALAM NIYO BA na may pelikulang pinagsamahan ang Kapuso award-winning actresses na sina Glaiza de Castro at Jasmine Curtis-Smith?
Simula noong January 29 ay mapapanood na sa UPSTREAM ang timely horror film na ‘Midnight in a Perfect World‘, na unang napanood sa QCinema International Film Festival last year.
Ang ‘Midnight in a Perfect World’ ay kuwento sa isang imaginary dystopian Metro Manila kung saan may nagaganap na black outs sa iba’t ibang parte ng siyudad. May mga taong nawawala kapag ito ay nangyayari. Sino nga ba ang kumukuha sa mga ito?
Kasama nina Glaiza at Jasmine sina Anthony Falcon at Dino Pastrano na natrap sa isang blackout at kailangan makahanap ng safe house para sila ay makaligtas.
Written and directed by Dodo Dayao, this film is somewhat inspired by his memories of Martial Law when he was younger.
Nang tanungin kung ano ang natutunan ni Jasmine sa pelikula,“There’s always a need for that one person to keep yourself together. As for my character, hopefully, she does not trip out too long.”.
Para kay Glaiza naman, “My takeaway is sana mabalanse kung ano ang safe sa hindi. Pag gusto mo mag-explore, balanse lang. Basta balance lang. Hanapin ang balanse because there’s something that’s too much of a good thing.”
Ito naman ang takeaway ng character actor na si Dino sa pinagdaanan ng kanyang karakter sa pelikula: “I hope madala sa nangyari sa akin because my character goes through quite a journey.”
May maiksi ngunit importanteng babala naman si Anthony Falcon: “No one is safe.”
Mapapanood ang ‘Midnight in a Perfect World’ mula January 29 hanggang February 28, 2021 sa pamamagitan ng UPSTREAM.PH. Ito ay produced ng EPICMEDIA at Globe Studios.
Narito ang full trailer ng ‘Midnight in a Perfect World’. Kakayanin mo ba?