Miguel Vergara, na-trauma sa shooting ng movie nila ni Gerald Anderson at Julia Montes

Ogie-Diaz-Liza-Soberano-Miguel-VergaraACTUALLY, ALAM na namin ang kuwento ng movie nina Julia Montes at Gerald Anderson. Dahil kasali rin sa Halik Sa Hangin ang aming alagang si Miguel Vergara na napakaimportante ng role.

Kaya sa trailer ay hindi rin lumabas si Miguel, dahil baka magka-idea ang mga tao kung ano ang daloy ng movie.

Pero sa totoo lang, kuwento sa amin ng mommy ni Miguel, “Nako, Papa O, hanggang sa umuwi kami ng bahay galing shooting, parang na-trauma ang anak ko sa mga eksena niya.

“Kulang na lang, sumailalim sa debriefing ang anak ko para makalimutan niya ang mga pangyayari sa set. Takot na takot ang anak ko, pero inuto-uto ko na lang.

“At favorite niya si Direk Manny Palo, dahil nakaipon siya ng maraming toys bilang magaling siya sa lahat ng eksena niya.”

Actually, kahit si Direk Manny Palo ay bilib na bilib sa batang si Miguel. Kaya nga sa Wish Upon A Lusis (kasama ni Julia Barretto sa bahay ampunan) at sa Christmas seryeng Exchange Gift (bilang anak nina KC Concepcion at Paulo Avelino) na parehong dinirek din ni Direk Manny ay naging “instant fan” na ito ni Miguel.

Kakaibang kuwento ng pag-ibig ang Halik Sa Hangin na showing na sa Jan. 28 at kahit si Gerald, ang sabi sa amin, “Ibang pelikula ito. Lahat kami halos, kinilabutan sa movie. Hindi ko lang masabi talaga sa presscon kumbakit, eh.”

Liza Soberano, nagbunga rin ang paghihirap

 

PARANG KAMI na ang nakikisakay ngayon sa popularidad ni Liza Soberano, dahil lahat ng mga makausap namin ay kino-congratulate kami, dahil nga nagbunga rin ang mga paghihirap namin ng aking alaga.

Actually, lagi naming sinasabi na tulay lang ang manager, pero hindi naman ang manager ang humaharap sa kamera, kundi ang talent.

At ayaw naming sinosolo ang kredito, dahil nandiyan din ang Star Magic na siyang co-manager namin kay Liza. At ang ABS-CBN, si Tita Malou Santos na sobrang malaki ang kumpyansa kay Liza na ito’y sisikat.

At the end of the day, sabi namin kay Liza, manatiling humble at thankful sa lahat ng magagandang oportunidad na nangyayari sa kanya.

At huwag kalilimutang maging isang mabuting tao, kapatid, at anak.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleGerman Moreno, ilang buwan pa bago dalhin sa Amerika para magpagaling
Next articleMarlene Aguilar, takot kay Mystica?

No posts to display