MAY MGA bagong mukhang aabagan ang fans ng local music industry – sila ay sina Migz Haleco at Maya, mga bagong dagdag sa roster of artists ng PPL Entertainment ni Perry P. Lansigan. Si Perry ang manager nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Max Collins, LJ Reyes, Gloc 9, Janno Gibbs, Wendell Ramos, Carl Guevara, Rochelle Pangilinan, Angelika dela Cruz, Arthur Solinap, Carlo Gonzalez, and Ms. Jaclyn Jose.
Bound to make beautiful music together, nakitaan ni Perry ng malaking potential sina Migz at Maya, kung kaya’t may unang “pasabog” na show agad ang dalawa entitled “Migz. Maya. Merged,” gaganapin sa July 17, Friday, 10 PM, sa 19 East Bar and Grill sa Sucat, Parañaque City.
“Pareho silang bata and fresh,” says Perry. “Maya has accomplished a lot in her singing career, and is very pretty. Migz is a complete package – height, charisma and excellent talent.”
Si Migz ay 21 years old, tall, tubong Cavite, former contestant ng Talentadong Pinoy, nag-aaral ng Music Production sa College of St. Benilde at isang Youtube sensation.
May more than 73,000 likes siya sa Soundcloud, close to 20,000 Facebook fanpage likes, 65000 Twitter followers and 21,000 Instagram fans. Marami na rin siyang nagawang campus concerts.
Samantala, si Maya ay isang member of Pan-Asian girl group Blush, na may members from China, India, Japan, Korea, at Pinas.
Beterano siya ng ilang singing competitions tulad ng Star For A Night (ka-batch niya si Sarah Geronimo at 13 years old pa lang siya rito), at nag-join din sa Pinoy Idol noong 2011.
Nakalabas na rin siya sa ilang TV shows in the past and later tried her luck abroad, kung saan nga siya nakasama sa Blush, at nakapag-concert na with Justin Bieber, Black Eyed Peas, Jessie J, Diana Ross, etc.
Kasama rin sa “Migz. Maya. Merged” sina Jay Durias and Gloc 9. Tickets at P300 each ay available sa entrance.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro