Saksi ako kung sino ang sikat at kung sino ang waley dating sa publiko sa kabila ng pagsusumikap nilang makilala sa showbiz.
Sa isang fashion show sa Trinoma last Sunday, kung saan saksi kami sa palagiang pakulo ng Ayala sa kanilang mga mall-goers, ‘di hamak na mas sikat pala (o sabihin ko na sikat na pala) itong si Miho Nishida kumpara kay Jasmine Curtis-Smith na nag-host sa last part ng naturang fashion show event.
Nu’ng tinawag ang pangalan ni Miho at ipinakilala sa publiko on stage as one of the models na rumampa sa fashion show, ang lakas ng hiyawan. Dumadagundong ang palakpakan. No wonder kung bakit ang Regal Films ay kinuha kaagad ang serbisyo ng PBB winner kasama ang rumored boyfriend na si Tommy Esguerra for a project na ididirek ni Joel Lamangan.
Yesterday, nag-first shooting day na sila (her first movie) ng “Never Been Kissed, Never Been Touched”; habang si Jasmine na sa dinami-rami na ng nagawang lead roles sa mga shows sa TV5 at nagbida na rin sa pelikula, nagtataka lang ako kung bakit waley dating ang presence ng dalaga.
Sa totoo lang, hindi ko ma-distinguish ang hitsura niya sa sampu-samperang mga female stars natin sa kasalukuyan.
Yes, maganda si Jasmine at walang duda ‘yun. Pero waley. Kahit makasalubong ko man siya sa sosyaling mall like Greenbelt 5 or Power Plant, hindi ko siya makikilala. Basta, may magandang babae lang ako na nakasalubong sa mall at ‘yun lang.
Opinyon ko, she will always be in the shadow of her Ate Anne Curtis na mas sikat sa kanya nang ‘di hamak.
Si Miho, I need to look at her up close. Pero ang lakas ng dating ni “pekpek” sa publiko. Hanep.
Reyted K
By RK VillaCorta