NAGKASALUBONG KAMI ni Mikael Daez noong nakaraang linggo and as usual, very warm talaga siya sa media. Hindi na siya umiiwas at nakikipagkuwentuhan na siya sa amin. Kinumusta namin sila ni Megan Young, pero ayon pa sa kanya, friends lang daw talaga sila at nanatili siyang single sa ngayon.
May bago namang pinagkakaabalahan itong si Mikael, dahil nagba-blog na rin siya sa isang entertainment website. Ibig bang sabihin, magiging tsismoso na rin siya? Say niya sa amin, hindi naman daw dahil kung ano lang ‘yung mga gusto niyang isulat ay ‘yun lang daw ‘yun – health, fitness, food, at hindi raw showbiz.
NOONG SABADO, June 16, 2012, inanunsiyo na ng MMDA ang napiling walong entries para sa Metro Manila Film Festival 2012. Out of 14 scripts na isinumite ng iba’t ibang film outfits, walo rito ang napili. Ang mga kalahok na entries ay ang mga sumusunod: 1. Conyo Problems ng GMA Films; 2. El Presidente ng Scenema Concepts; 3. Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel/TV5; 4. One More Try ng ABS-CBN/Viva Films; 5. Shake, Rattle and Roll 14 ng Regal Films, 6. Si Agimat, Si Enteng Kabisote and Me ng GMA/OctoArts/M-Zet/Imus Productions/Apt Entertainment; 7. Sisteraka ng ABS-CBN/Viva Films; at 8. The Strangers ng Quantum Films.
Hindi nakasali sa official list of entries ang Thy Womb ni Direk Brillante Mendoza at Superstar Nora Aunor. Sabagay, pasok pa rin naman ang isa pang pelikulang pinagbibidahan ni Ate Guy, ang El Presidente katuwang si Laguna Governor ER Ejercito.
Napapansin lang namin, hindi pa rin talaga paaawat ang network war pagdating naman sa pelikula, dahil may kanya-kanya ding entries ang ABS-CBN, GMA-7 at ang TV5.
Ayon pa kay Chairman Francis Tolentino ng MMDA, sana daw ay malampasan ngayong taon ang kinita ng MMFF last year na umabot sa P636 milyon.
May bago namang kategorya sa MMFF 2012, ito ay ang Cine-Phone kung saan hinihikayat ang mga estudyante na sumali dito sa pamamagitan ng paggawa ng short story gamit ang kanilang mga telepono na may running time na 3 to 5 minutes. Bongga!
NOONG SABADO, na-starstruck ang mga taga-Payatas sa pagdating ng mga celebrities sa BistekVille 1, kung saan ginanap ang birthday build ni Ruffa Gutierrez.
Tumulong sa paglagay ng mga hollowblocks sina Ruffa kasama ang ilan pang celebrities sa Habitat for Humanity, kung saan ang mga beneficiaries ay mga teachers. Ilan sa aming naispatan ay sina Cristalle Belo, Tonton Gutierrez, Jason Sabio ng Azkals, Phoemela Baranda, Miriam Quiambao, BB Gandang-hari at marami pang iba.
Say pa ni BB sa amin, bakit ngayon ka lang, dapat tumulong ka sa amin, kanina pa kami rito. Pulido ang gawa ni BB, mula sa paglagay ng hollowblocks hanggang sa pagsemento nito.
Nakakatuwa ang mga ganitong gawain ng ating mga celebrities.
Sure na ‘to
By Arniel Serato