NAKAHARAP AT NAKAUSAP na rin namin ang guwapong modelo at ngayo’y umaarte na rin sa telebisyong si Mikael Daez noong Martes sa Yahoo OMG Awards sa Republiq sa Resorts World Pasay.
Ito ang unang pagkakataon naming makaharap ang modelo, kaya curious kami kung ano nga ba ang masasabi niya na bago pa lamang siya pumasok nang showbiz ay agad na siyang sinalubong ng intrigang may video scandal daw siya. Sa tingin kaya niya, nakatulong ito upang mabilis siyang makilala sa showbiz?
“Hindi ko alam. Basta sa akin, as I always say, focus ako sa acting, kasi at the end of the day, du’n naman titingnan ang lahat. So workshops lang ako at focus sa work.”
Showbiz na showbiz na rin talaga si Mikael, kaya ito na lang ang masasabi namin, good luck!
HAPPY SI VICE Ganda na humarap sa amin doon pa din sa Yahoo OMG Awards dahil nominado siya sa dalawang kategorya, bi-lang Best Male TV Host at Funniest Comedian, kung saan napagwagian naman niya. Luis Manzano won the Best Male TV Host award.
Back to Vice, nga-yong halos lahat ay nasa kanya na, may kulang pa kaya sa buhay niya?
“Keps,” ang walang kaabug-abog niyang sagot, sabay bawi na, “Joke! Ay, hindi ‘noh, sobrang nag-e-enjoy ako rito.”
MEDYO MALAYU-LAYO NA rin ang nararating ng isa sa mga member ng Star Circle Batch 15 na si Eduard Bañez. Mula nang inilunsad si Eduard kasama nang iba pang baguhan noong 2007, kanya-kanya na silang ukit ng kanilang mga pangalan sa industriya.
Nakapag-guest na rin ang nursing graduate na ito mula sa New Era University sa iba’t ibang mga shows ng TV5, ABS-CBN at GMA-7. Nakitaan naman siya ng galing sa pagho-host ng QTV management kaya naman kinuha siya bilang isa sa mga hosts ng Li-ving Well, isang lifestyle show tuwing Linggo ng GMA News TV.
Sa ngayon, pangarap ni Eduard na magkaroon ng mga guesting sa mga soap opera at maipakita naman ang kanyang talent pagdating sa acting. Goodluck!
ISA SA MGA entries sa 2007 Cinemalaya na ina-abangan na ng marami ay Ang Babae sa Septic Tank, kung saan tumatatak na naman ang tunay na komedya ng nag-iisang si Eugene Domingo.
“Natutuwa ako dahil ito na ang pinakamalawak na paraan ng pagpapakita ng makabagong pelikula para sa mga bagong dugo, ‘ika nga, ng mga nag-aabang ng original Filipino film.
“It’s always an honor for me and ikinalulugod ko ring sabihin na ‘Ang Babae sa Septic Tank’ ay hindi naman puro kabahuan. This is very interesting, I’m playing Eugene Domingo.
“Eugene Domingo is playing Eugene Domingo! So this is actually a film within a film, very interesting to see, kung paano ginagawa ang isang pelikula. Sisilip tayo sa buhay ng isang, ‘ika nga, bituin na gagawa ng isang pelikula.”
Follow me on Twitter, @arnielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops to [email protected].
Sure na ‘to
By Arniel Serato