SA GITNA NG kasagsagan ng pangangampanya, pinatunayan ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor na una ang kapakanan ng mamamayan ng lungsod, lalo pa’t nahaharap ang mga ito sa mga sakuna.
Mahigit isang libong pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog noong Linggo ng hapon sa E. Rodriguez Ave., Brgy. Damayang-Lagi ng nasabing lungsod. Sa ulat, apat na matanda at dalawang bata ang namatay sa sunog na nagsimula ng bandang alas-4:30 ng hapon at tumagal ng mahigit sa anim na oras. Ayon pa sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nangungupahan sa nabanggit na lugar bunga ng umano’y napabayaang LPG.
Nasa isang campaign rally sa Brgy. Culiat si Defensor nang makarating ang balita. Kaagad na tinapos ng mayoralty candidate ang nasabing campaign rally, saka kagyat na nagtungo ang kanyang grupo sa lugar upang maghatid ng tulong tulad ng mga kumot, pagkain at inumin sa mga mahigit isang libong pamilyang biktima ng sunog sa Brgy. Damayang-Lagi.
Bago ang pagpunta sa lugar, kinansela pa muna ni Defensor ang dalawa pa niyang campaign sorties at isang pang pulong, mabigyan lang ng agad na lunas ang mga biktima ng sunog. Ipinakita ni Defensor sa mamamayan ng Lungsod Quezon na sa anumang sakuna, tunay siyang maasahan at laging handang magbigay ng tulong.
Pinoy Parazzi News Service