Mike Tan, nagtatalak sa production assistant

TAPING ITO NG isang sitcom ng GMA, breaktime ‘yon kung saan aligaga ang PA (production assistant) nito sa pagkuha ng gustong kainin ng mga cast members nito.

Halos lahat naman daw ng bumubuo ng cast ay simple lang ang ipinapabiling pagkain, tulad na lang ni Elmo Magalona na two-piece chicken lang ang trip from a popular fastfood chain. Since magkakaiba naman ang palate o panlasa ng tao, meron daw espesyal na ni-request si Mike Tan.

Pakiulit? Si Mike Tan, hindi ko na matandaan kung anong batch siya, pero produkto siya ng Starstruck. Kung anong season, beyond reason na ang kanyang demand!

Bilin daw ni Mike sa PA ay ibili siya ng grilled breast chicken (take note, no other part but breast) with lettuce (that comes in varieties) na mamahalin, with condiments on the side at kung anik-anik pang kaartehan na maghahalo lang naman sa tiyan ni Mike!

Ganu’n daw ka-specific ang gustong lafangin ni Mike, na ikinaloka siyempre ng PA. Pero dahil trabaho ng PA na problemahin ang kakainin ng mga artista sa pinaglilingkurang programa, bumagsak siya sa isang food shop that sells close to the meal na trip kainin ni Mike.

Nang dumating daw ang PA bitbit ang ni-request ni Mike na grilled breast chicken with lettuce ay tinalakan pa raw ito ng aktor. Hindi raw kasi ‘yon ang ini-specify niyang pagkain, hindi rin daw ‘yun ang uri ng letsugas na dapat sana’y ka-partner ng manok!

Teka, hindi ba’t pang-fine dining na ‘yung gustong lamunin ni Mike? And for his stature, a so-so upstart na wala pa namang napapatunayan except for wild rumors about his gender in question, mag-demand ba ng trip niyang pagkain? And when not served according to his “gastronomic whims,” basta na lang niya tatalakan ang PA?

Tsk, tsk, tsk… buti pa ang letsugas, mainitan, maulanan, tumutubo. Kesa sa career ni Mike Tan… hindi pa man tinutubuan ng dahon, nalagas na!

MAHIGPIT ANG BILIN ni Shalala sa Raging Divas na huwag siyang i-upstage as he does a Diana Ross sa celebrity showdown marking the second anniversary of TV5’s Talentadong Pinoy to air on August 28.

To begin with, hindi lang naman talaga singer si Shalala, pero kailangan niyang mag-stand out sa kanyang gown at hitsura man lang kahit lip synch/impersonation lang ang kanilang pambatong number.

Stiff daw kasi ang kumpetisyon, lalo’t ang makatutunggali ng kanyang grupo ay may iba’t ibang likas na talent na wala ring itulak-kabigin: Arnel Ignacio (playing piano while singing), Kakai Bautista (Broadway medley), Alex Crisano (rap), Jao Mapa (abstract painting), Nyoy Volante (playing drums, guitar and keyboards) at Ciara Sotto (pole dancing).

How time flies, dalawang taon na palang sinusuportahan ng mga manonood ang programa ni Ryan Agoncillo na idinisenyo upang tuklasin ang likas na yaman ng mga kababayan natin sa iba’t ibang larangan ng pagbibigay-yaman ng mga kababayan natin sa iba’t ibang larangan ng pagbibigay-aliw. While its copycats existed on a per season basis, ‘eto pa rin ang Talentadong Pinoy that has withstood the best and worst of times.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKrista Ranillo, ‘di kuntento sa isang kasal lang
Next articleLovi Poe, nagpalipas ng gabi kasama si Cong. Singson sa HK!

No posts to display