HINDI RAW big deal para kay Mike Tan kung nabibigyan siya ng kontrabida role kahit nagbibida na siya sa soap ng GMA 7. Kuwento nga nito, “Hinahayaan ko na GMA ang mag-decide sa akin kung ano ang nararapat sa aking proyekto.
“Para sa akin kasi, puwede naman ngayon bida ka, tapos next projet kontrabida ka. Never naman sa akin na namili ng gagawing proyekto.
Noon pa namang nagsisimula pa lang ako hangang ngayon, kung ano ‘yung ibigay nila sa aking proyekto tinatanggap ko. Kasi hindi naman nila ako bibigyan ng trabaho na alam nilang hindi bagay sa akin at hindi ko kayang gampanan.
“Mahirap naman kasi na gusto mo lagi na leading man ka, tapos wala nang mabigay sa ‘yong trabaho. Kaya sa akin, kahit ano ang ibigay nila sa akin, okey lang, gagawin ko.
“Ako kasi nagtatrabaho ako hindi lang para sa sarili ko, nagtatrabaho ako of course para sa future ko at sa future ng magiging pamilya ko at sa pamilya ko. Mas mahirap na mapili ka ng trabaho, mas malaki ang tsansang mabakante ka, ‘yun ang ayoko.”
At kahit nga raw hindi siya kasama sa Billboard ng said show ay okey lang kay Mike. “Alam ko talaga na si Aljur lang at si Louise sa simula pa lang kaya hindi na issue sa akin kung wala man ako sa billboard.
“Alam ko, love triangle kami sa Kambal Sirena, pero hindi naman kapag sinabi sa ‘yong ka-love triangle ka, kasama ka na sa billboard. Pero kung sinabi nila na ako ang leading man pero wala ako sa billboard, dun na ako magtataka.
“Parang teka lang, bakit wala ako sa billboard, leadingman ako? Pero hindi naman ganu’n ang kaso, dahil si Aljur ang leading man at si Louise ang leading lady kaya wala ako du’n, kaya okey lang sa akin.
“Sa akin naman kasi, isama ako o hindi okey lang sa akin, ang mahalaga naman sa akin kasama ako at may trabaho ako, du’n pa lang solve na ako,” pagtatapos ni Mike.
MAGBABAYAD DAW ang mga operator ng mga public utility buses ng P10,000 sa bawat violation kaugnay sa pagpapalabas ng mga sensitibo o adult films. Ang MTRCB ay nakatutok din sa pagmo-monitor sa mga bars, restaurants at spas na nagpapalabas ng mga adult films.
Nagbigay rin ng warning si MTRCB Chairman Eugenio Toto Villareal sa mga nagmamay-ari ng commercial establishments na nagpapalabas ng mga pelikulang may temang sensitibo/ adult films.
Ayon nga kay Chairman Toto, “Only films or programs with the G (General Patronage) rating are permitted in alternative venues. G classification advises parents or supervising adults that a film is suitable for audiences of all ages.”
Dagdag pa ng MTRCB Chairman na noong 2012, ang MTRCB ay nag-sign ng agreement sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mabibigyan ng penalty ang mga bus companiesna nagpapalabas ng sensitibo/ adult films.
“The emergence of these other venues is a recent development. This year, we will be more engaged in this aspect, Nowadays, there are what we call theater spas, where you get foot treatment while watching a movie of your choice. These establishments should register with the MTRCB,” pagtatapos ni Chairman Toto.
John’s Point
by John Fontanilla