SEVEN YEARS ago, hinirang bilang Starstruck Wave 2 Ultimate Male Survivor si Mike Tan. Marami noon ang nagsasabi na may potensyal ang binata na maging next important leading man ng GMA-7 dahil sa kanyang kaguwapuhan at ma-
tipunong pangangatawan. Sa katunayan nga, binigyan ito agad ng isang panghapong teleserye at sinubukan ng network na pasikatin ang tambalan nila ni LJ Reyes. Nang mag-break ang dalawa, bigla ring nawala ang drive ng Kapuso Network na pasikatin siya.
Seven years after his entry sa showbiz, muli na namang umaarangkada ang karera ni Mike Tan. Sabihin na natin na sa lahat ng itinanghal na Ultimate Male Survivor sa history ng Starstruck, tanging si Mike Tan ang hindi nabigyan ng magandang break. Isang blessing in disguise ang biglaang paglipat ni Paulo Avelino sa ABS-CBN (kung saan siya tinitilian ngayon) at ibinigay kay Mike Tan ang papel na Jonas sa afternoon series na ‘Kung Aagawin Mo Ang Langit’. Sa isang iglap, biglang bumalik ang appeal ng binata sa masa at tinangkilik ang kakaibang love triangle nila nina Carla Abellana bilang Ellery at Michelle Madrigal bilang Bridgette. May improvement na rin siya sa pag-arte, huh!
Hindi pa man natatapos ang kanyang panghapong palabas ay pasok na agad sa primetime show na Legacy si Mike! Gagampanan niya ang papel na Third, isang lalaking ambisyoso na gagamitin si Natasha (Lovi Poe) para makaangat sa kumpanya. Isa rin siya sa lead male actors ng programa kahit pa may pagka-kontrabida ang papel niya.
Matagal-tagal din ang hinintay ni Mike Tan para sa wakas ay makuha na niya ang tiwala ng kanyang home network. Sa ganitong kaso, masasabi natin na great things comes to those who wait. Dahil d’yan, isa kang tunay na survivor! Keep it up, Mike!
For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at [email protected]. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club