Miles Ocampo, naghintay ng 15 years bago maging bida sa MMFF movie na ‘Write About Love’

Leo Bukas

TRULY, patience is a virtue. Pero para lang ito sa mga kagaya ni Miles Ocampo who patiently waits. At habang naghihintay ay napapanatili ang magadang attitude.

The film Write About Love is Miles Ocampo’s biggest break ever sa pelikula. Pinagkatiwalaan siya ng TBA Studios at ni Direk Crisanto Aquino na magbida sa romcom film na ito na isa mga official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula Dec. 25.

MILES OCAMPO

Reaksyon ni Miles sa kanyang pagbibida, “Hindi po ako sanay. Sabi ko nga po kay Direk, ‘Direk, ganito pala ‘yun. Kasi sanay po ako pag nagshu-shoot ‘di ba po may iba pang nakukunan. Ito mula po opening to closing ng araw, ako ‘yung kasama.”

Hindi ba siya nainip o kaya’y nawalan ng pag-asa na darating pa sa kanya ang chance na magbibida sa pelikula?

“Hindi po. Well, medyo,” tugon ng dalaga.  “Nung mga bata-bata pa po ako. Dumating po ako sa point na nagtatanong ako.  ‘Bakit ang tagal? Bakit wala pa?’

“Pero kahit papaano habang tumatagal tayo sa industriya, na-realize ko na hindi ko pala ini-aim ‘yung maging super galing. Parang ang para sa akin, kung sino ‘yung nagtatagal, kung sino ‘yung nag-stay, masaya na po ako sa ganun,” rason niya.

Mas lalong hindi rin daw pumasok sa isip niya ang ang mag-quit.

Deklara niya, “No! Kasi po bata pa lang po ako, ito na ‘yung gusto kong gawin. And ‘yung conflict naman po with my school, ‘yun nga lang minsan may mga kailangan akong matanggihan na projects na kailangan ko po talagang piliin ‘yung iba. Kaya ko po natatanggihan. But ‘yun po. Hindi naman po pumasok sa isip ko na mag-stop ever.”

Sa Write About Love ay gagampanan ni Miles ang role ng isang aspiring writer na mai-involve sa karakter ni Rocco Nacino. Kasama rin sa pelikula sina Yeng Constantino at Joem Bascon.

Previous articleMEET THE ICE KING: Gerry Santos of Mr. Freeze
Next articleDermcare Group of Companies to launch an innovative skin care line from Japan

No posts to display