Military trainers ni Gerald Anderson, nasawi sa Marawi

Gerald Anderson

SWIM. RUN. BIKE. Ito raw ang sequencing ng isang triathlon event ayon sa kuwento ng aktor na si Gerald Anderson sa mga piling press people na naimbitahan para sa media conference ng pelikulang AWOL na produced ng Skylight and Cine Bro na ire-release ng Star Cinema na mapapanood simula August 16.

 
Akala ko nga noong una, ang buong event ay sinalihan ni Geh. ‘Yun pala, sa biking segment lang siya sumali.
 
Kulang daw siya sa practice kahit sabihin pa na halos araw-araw ay nage-ensayo siya.
 
“Bitin ako sa time. I just came from Toronto (Canada) for ASAP. Kulang sa practice kahit nage-ensayo ka na for so many years, ang one day na hindi ka nag-practice, two days practice ang nawala (backtrack),” kuwento nito.
 
Mabuti na lang, ang pagiging athletic ni Gerald ay malaki ang naitulong sa kanya sa pisikal na requirements ng latest action film na pinagbibidahan niya.
 
“This time kasi, ang laki ng scope ng mga action scenes. It’s very physical,” kuwento ni Gerald who plays a member of a special action force, kung saan nag-undergo siya ng training sa mga totoong military men na ang role ng aktor ay nag-AWOL (Absence With Out Leave) at na gusto mag-resbak sa isang pangyayari na nadiskubre niya.
 
“Kasama ko po talaga ang mga totoong scout rangers at mga sundalo. Every day, nandoon sila sa shoot, yung ginamit namin doon ay hindi props lang. Mga totoong baril ‘yong gamit namin,” kuwento niya over lunch.
 
AWOL cast members Diane Medina, Gerald Anderson & Bembol Roco

 “I’m thankful sa kanila (mga real military) na nag-train sa amin,” pagpapatuloy niya.

 
Siksik sa aksyon scenes ang AWOL reason kung bakit na-classify na R-16 ang pelikula niya na may mahalagang role ang aktor na si Bembol Roco Jr. sa takbo ng istorya sa direksyon ni Enzo Williams.
 
Naikuwento din nya na dalawa sa mga military trainers niya ay namatay na sa giyera sa Marawi, rason kung bakit inaalay ni Gerald ang pelikula sa lahat ng mga military na nagpo-proteka sa ating mga Pilipino.
 
 Kung maaalala pa, first action movie ni Gerald ay ang On the Job (OJT) na dinirek ni Erik Matti. This time, kuwento ng nakapanood na ng AWOL ay sinasabing mala-Jason Bourne ang isang Gerald Anderson sa pelikula.
 
Ang AWOL ay bahagi ng 1st FDCP’s Pista ng Pelikula Pilipino na magaganap sa buong bansa simula August 16 hanggang August 22 kung saan puro Filipino films lang ang ipapalabas nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleGabbi Garcia in Europe: Morena invades France and Monaco!
Next articleJohn Lloyd Cruz, work and leisure mode sa Lisbon, Portugal!

No posts to display