SERENITEA, INFINITEA, Bubble Tea, Tea Tea, ano ang pagkakatulad nila? Simple, milk tea. Paano naman ito? Chat Time, Happy Lemon, Dakasi, Moonleaf, D’Cream, ano naman ang sa kanila? Simple, milk tea pa rin… milk tea pa tin. Iilan lamang iyan sa mga milk tea shop na mayroon tayo. Patunay lang iyan na ito ang trend sa Pilipinas ngayon, lalo na sa mga bagets at yuppies nating matatawag. Pero paano nga ba nagsimula ang kasikatan nito? Paano ba ito naging trend sa bansa? Bakit lahat ay sabik na sabik sa milk tea?
Nagsimula ang ang milk tea na orihinal na tinatawag na Bubble Tea at kilala rin sa tawag na pearl milk tea o boba milk tea sa Taiwan partikular na sa Taichung kung saan nagkaroon ng mga unang tea shops noong mga 1980’s pa. May haka-haka rin na ang ang nagdala nito sa kasikatan ay ang bansang Japan. Mula sa mga Chinese speaking na bansa tulad ng Hong Kong at China na na-hook din sa kakaibang sarap ng milk tea, nadala na rin ito sa wakas sa Pilipinas.
Kung tutuusin nga, masyado na tayong nahuhuli pagdating sa milk tea craze dahil kailan lang ito sumikat sa atin habang sa ibang mga karatig na bansa ay napakatagal na. Pero kahit ganoon pa man, kakaibang “craze” naman ang epekto nito sa atin na nagbunga sa mga pagkarami-raming tea shops dito sa bansa.
Kadalasan, ilan sa mga sangkap ng milk tea o bubble tea ay una tea – based ito na hinahalo sa prutas o sa gatas. Puwede rin ito gawing ice-blended. Ginagawa ito lalo na kapag fruit tea ang inorder mo. Kadalasan din naman sa mga milk tea, hinahaluan ito ng add-ons na tinatawag. Pinakasikat sa lahat ng add-ons ay ang pearls o tapioca balls. Maraming iba’t ibang variants ang bubble tea. Nagkakatalo rin ito sa mga ingredients at flavors na hinahalo. Pinakasikat sa mga tea shop dito sa bansa ay iyong simpleng milk tea with tapioca at mga wintermelon milk tea.
Unang nagpapadagdag sa craze ng mga bubble tea sa bansa ay ang maraming flavors na puwedeng pagpilian tulad na lang ng nabanggit ko kanina. Pangalawa, tila ito ay ating naging refreshment drink. Kung minsan nga, matapos mababad sa init ng panahon, imbes na tubig ang inumin natin, milk tea ang hinahanap-hanap natin. Pangatlo, swak na swak ito sa bulsa kaya ito ay patok lalo na sa market nito na mga bagets at yuppies o young professionals. Pang-apat, ang health benefits na makukuha rito. Sinasabi na nagpapatibay ito ng cardio-vascular at immune system ng tao dulot ng mga sustansya na makukuha sa gatas at tsaa. At siyempre kasama rin sa listahan na nagdala rito sa rurok ng kasikatan ay ang mga cozy store at shops nito na nakapang-aakit. Iyong tipong gugustuhin nating tumambay roon kasama ang barkada, sasamahan ng kuwentuhan kasabay ng paghigop sa masarap na milk tea.
Para sa inyong mga komento at suhestyon, maaaring mag-email sa [email protected] o mag-text sa 0908-8788536.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo