OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka! Ano ba itong nakarating sa akin na ang tatlong K na ipinagmamalaki ng isang malaking network ay hindi nagkakaunawaan, as in, wala silang keber sa isa’t isa?
Unahin muna natin itong dating mag-bff at nagkasama pa sa isang morning talk show na bigla na lang naglaho. Ang chikka, ‘pag nagsasama sila sa isang gathering sa pulitika, plastikan lang ang kanilang pagsasama kasi matagal na pala silang hindi nag-uusap.
Ang dalawang K na itinuturing na pambato ng nasabing network, pagdating sa hard news, bidang-bida itong si K-A. At ito namang si K-B ay tinaguriang reyna ng media. Kaya nga raw ‘pag nalaman ni K-A na si K-B ay nasa event ng nasabing network, wala si K-A. Ayaw nilang magtagpo ang landas nila, kasi nga hindi sila in good terms. Lagi silang nag-iiwasan. Hindi malaman kung ano ang dahilan ng kanilang iringan na dati-rati parang hindi na sila maghihiwalay kung mag-usap.
Ito ang matindi, ang isa pang K na tawagin nating K-C na halos ‘pag nakikita raw niya si K-A ay kumukulo ang dugo niya na parang gusto niyang manabunot. Kaya nga dapat talagang hindi mag-abot ang landas ng dalawa.
Minsan nga, muntik nang mag-abot sa newsroom ang dalawang K, sina K-A at K-C. Mabuti na lang, may nag bulong dito kay K-C na darating si K-A, kaya umiwas na lang si K-C para hindi sila magpang-abot.
Isang araw, nagkasalubong daw ito sa hallway ng network. Makitid daw ang way kaya hindi sila puwedeng magkita. Ang ginawa daw ni K-A ay kinuha niya ang cellphone na kunwari may kausap para hindi halata na sila ay magsasalubong. At ang ginawa naman ni K-C, taas-noong naglalakad at walang nakitang kasalubong.
Kung tutuusin, parehas silang magaling, kaya lang mas may edad na si K-A kaysa kay K-C, kaya malawak na ang kaalaman ni K-A. Pero si K-C ay galing dati sa isang network at pinirate lang.
Hindi kaya insecurity ang dahilan? Kasi ‘pag hindi makararating si K-A sa kanyang newscast, ayaw niya na ang pumalit sa kanya ay si K-C.
Ayaw ko munang pangalanan ang tsikang ito. Kasi hindi ko sila lubos na kilala, maliban kay K-B na nagkasama na kami sa isang talk show.
Kung totoo man ito, ano kaya ang dahilan ng tatlong ito kung bakit nag-iiringan sila? Pero si K-B at K-C ay magkabati. Si K-A, itong dalawang K ang hindi niya feel kausap.
Gets n’yo na kung sino itong tatlong K na pambato ng nasabing network? Kung totoo man ito, may kasabihang walang bulok na hindi sisingaw. ‘Yun na!
SPEAKING OF bulok, kaloka talaga itong si Jinkee Pacquiao! Kasi kung ang hilig daw nito ay mga branded bags, shoes, at mga mamahaling alahas na naka-display sa mansion nila, hindi raw pahuhuli itong mga bulaklak na puro plastik.
Halos mapuno raw ang mansion ng plastic na bulaklak, kulang na lang ang malaking altar para matawag na simbahan. Kaya sabi nila, hindi parin talaga puwedeng tawaging sosyalera na si Jinkee. Kasi ang mga sosya-lera, mas gusto ang sariwang bulaklak na naka-display sa bahay. O baka naman ang mga plastic na bulaklak ay imported din.
Sabi nga ng nag-chikka sa akin, “At least, Tita Swarding, ang bulaklak na plastik, hindi nabubulok at p’wedeng punasan o labahan ‘pag ito ay puno na ng alikabok.”
Kaloka, ‘di ba? Ang ipamimigay rin kaya ni Jinkee na souvenir sa kanyang pangangampanya sa Sarangani ay plastik na bulaklak?
Minsan nga may tunay na marunong kumilatis ng mga orig na bags at sapatos na naka-display sa bahay nila. Natuklasan nito na class A lang as imitation lang pala tapos nabili niya ng milyones tulad ng Hermes bag na naging herpes bag. Kasi fake. Say mo?! ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding