‘Mina-Anud’ ni Dennis, tungkol sa high-grade cocaine na inanod sa Eastern Samar

Dennis Trillo

NAPUKAW kaagad ang interes ni Dennis Trillo nang mabasa ang script ng pelikulang Mina-Anud kaya tinanggap niya ito agad. Kontrobersyal ang tema ng pelikula na tumatalakay sa droga.

 “Isa ito sa matagal ko nang inaantay na kwento,” reaksyon ng aktor sa ginanap na mediacon ng Mina-Anud.

“Kasi, unang-una, matapang siya, pero kahit sobrang bigat ng tema niya, ang light ng pag-atake ng direktor na ginawa niya sa pelikula. Sabi ko, hindi ko pwedeng palampasin itong project na ito,” dagdag ng aktor.

Ang Mina-Anud ay base sa real-life events that took place in 2009, kung saan, tatlong tonelada ng high-grade cocaine ang inanod sa tabing-dagat sa Eastern Samar.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Dennis ang papel ng isang local surfer who is lured into selling the cocaine bricks after his best friend Carlo (played by Jerald Napoles) discovers the price people are willing to pay for the illicit substance.

Kahit na tungkol sa ilegal na droga ang Mina-Anud ay meron naman daw aral na mapupulot ang manonood sa pelikula nila.

“Hindi naman ako na-bother na inatake rito ‘yung ilagay na droga, mas binigyan ko ng importansiya ‘yung aral na matutunan pagkatapos mapanood ‘yung pelikula kasi sa pag-highlight nun’g masamang element na ‘yun sa pelikula.

“Natuwa ako na kahit ganu’n kabigat ‘yung tema niya, may magandang aral kang mapupulot sa bandang huli,”  paliwanag pa niya.

Mina-Anud is produced by Rega Entertainment, Hooq and Epicmedia. The film is directed by Kerwin Go.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleVAV live na live sa Manila!
Next articleDAHIL ADIK SA CHICKEN: Piolo Pascual, first celebrity endorser ng Andok’s

No posts to display