‘Mina-Anud’ stars Dennis Trillo at Jerald Napoles, may kuwento rin tungkol sa “ghosting”

Jerald Napoles and Dennis Trillo

HINDI nakaligtas ang mga bida ng pelikulang Mina-Anud na sina  Dennis Trillo at Jerald Napoles na tanungin about ghosting na popular term ngayon sa showbiz dahil sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.  

  
    Hindi pala alam ni Dennis kung ano ang kahulugan ng ghosting. Kinailangan pang  ipinaliwanag ito sa kanya ni Jerald. And after niyang maintindihan, inamin ng aktor na hindi pa raw niya ito ginawa at hindi pa rin daw nangyari sa kanya.
        Si Jerald naman ay nag-explain kaagad na hindi pa raw niya na-ghosting ang girlfriend na si Kim Molina.
 
             Paliwanag niya, “Hindi po. Apparently, may ebidensiya naman po na hindi ko siya na-ghosting. Pero siguro po, nagawa ko ‘yun dati, nun’g kapusukan ng mga kabataan. Hindi ri natin masasabi. Hindi rin naman po ako nagmamalinis, wala naman po sa hitsura ko.
    Samantala, ang Mina-Anud ay nanalong Basecamp Colour Prize for being one of the two projects pitched at Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum in 2017.
       The movie was also selected as the official Closing Film sa  prestigious Cinemalaya 2019 Film Festival on August 10 at magkakaroon ng nationwide release sa mga sinehan on August 21.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleDAHIL ADIK SA CHICKEN: Piolo Pascual, first celebrity endorser ng Andok’s
Next articleLA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo: Mga Male Singers na Pinagpapantasyahan sa entablado

No posts to display