Mini-serye ni Nora Aunor, ‘di humataw sa ratings?!

BLIND ITEM: MAY isang seryosong isyu na kailangang i-address ng isang male host, married to an actress with whom he has a less than a year-old child.

Kalat na kalat na kasi ang sentimyento ng kanyang misis sa umano’y verbal abuse na kanyang tinitiis sa piling ng kanyang mister, who probably thinks that his wife is intellectually inferior. Hindi tiyak kung ano ang mga eksaktong pangungusap ng panlilibak ng TV host sa kanyang asawa.

But one thing’s  for sure. Galit na ang mga tagahanga ng aktres sa asawa nito. Hindi raw naman kasi lingid sa kaalaman ni mister ang “educational background” ng noo’y syota pa lang niya, if such were a major issue, bakit pinakasalan nga naman nito ang aktres?

In fairness, too, to the actress ay wala siya ni katiting na pretensiyon tungkol sa kanyang kakapusan. Madalas pa ngang gawing biro ni misis ang kahinaan niya sa pag-i-Ingles, kaya hirap siyang makipagsabayan sa mga Ingleserang artista.

But already a married couple that they are now, dapat pa bang gawing isyu kung sino ang mas may pinag-aralan than the other spouse?

Bakit hindi na lang isipin ni mister that for all he knows, ang ipinagkaloob na supling sa kanila ni misis would turn out to be a “talentadong Pinoy” whose talent at an early age can pass for a “junior chef”?

HINDI NA NAMIN babanggitin ang pangalan ng kapwa namin Vilmanian who relayed through a text message ang inirehistrong ratings ng pilot episode ng mini-serye ni Nora Aunor sa TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina that premiered exactly a week ago.

Four point something ang porsiyentong nasungkit ng SNNI, na ayon sa aming Vilmanian texter was unexpectedly low considering all the media hype mula pa noong bumalik ng bansa ang Superstar in August. “Ang baba, ha? Hahaha!” were the exact words in his text message.

We opted not to send a reply. First, ano bang survey group ang naglabas ng naturang ratings? Second, regardless which group conducted the survey, by standards in this increasingly competitive industry, ang naitalang ratings ng show ni Ate Guy was not bad at all.

Third, wish ko lang ay hindi sinita mismo ni Ate Vi ang kanyang fan gayong maliwanag na ang pagbabalik ni Ate Guy ay walang kinalaman sa career—both showbiz and political—ng pareho naming idolo! Ano’ng pakialam ni Ate Vi kung nag-rate o hindi man nag-rate ang show ni Ate Guy, when this should be the least of her concerns?

Tigilan na kasi ang pang-iintriga, very 80s pa ang ginagawang pagsasabong hanggang ngayon sa mga institusyon as though Ate Vi and Ate Guy are starlets!

ISANG LITERAL NA mabantot na episode ang matutunghayan ngayong Lunes sa Face To Face na pinamagatang Si Lalaki Nakipag-“something-something” Sa Mas Sariwa Dahil Si Babae Mabaho Ang Hininga! Inamin ni Willy na kaya niya pinatulan si Leklek ay dahil may bad breath at masyoho ang misis niyang si Joan.

Nakuha namang murahin ni Aling Luisa ang kanyang Ate Gertrudes kahit nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak sa kuwento bukas titled Patay Ang Anak Dahil Nasagasaan Ng Kotse… Sa Lamay Pinapatayan Pa Ng Kuryente! Himutok ni Aling Luisa, habang nakaburol daw ang kanyang anak ay pinagdadamutan sila ng ilaw ng kapatid. Tumindi pa ang panunumbat ni Aling Luisa nang patotohanan ng kanyang panganay na anak na ninenenok ng kanyang Tiyang Gertrude ang abuloy at tong sa sugalan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePilita Corrales, naghahamon kay Nora Aunor?!
Next article‘Di naman pala nagtatago Maricel Soriano, nawala na raw ang katarayan!

No posts to display