Minsan may isang ina: Mommy Elvie Villasanta

MINSAN NAKADAUPANG palad ko si Mommy Elvie Villasanta sa kanyang program na Mommy Elvie @ 18 ng GMA News TV. Ang kanyang role bilang bida sa kanyang palabas ay isang matandang makulit at nakikipagbatuhan ng mga salita sa kanyang anak na si Ariel. Sa husay ni Mommy Elvie, marami siyang napatawa at hindi ito matatawaran sa kanyang edad. Labis ang aking kalungkutan sa pagpanaw niya, naalala ko kasi ang aking ina bagama’t siya naman ay nasa aking pangangalaga at talagang malakas pa. Sayang at hindi ako nakarating sa burol ni Mommy Elvie sa kadahilanang ‘di maiwasan. Ang kakulitan niya sa screen sa totoong buhay ay isang ulirang ina at mapagmahal sa kanyang nag-iisang anak na si Ariel Villasanta.

Si Mommy Elvie ay pumanaw na sa edad na 84 at nakalagak ang kanyang labi sa Christ the King Church sa Green Meadows, Quezon City. Nag-suffer si Mommy Elvie sa sakit na breast cancer. Bagama’t naramdaman na niya ang kanyang sakit, hindi ito nakapigil sa kanya upang lumabas sa kayang TV show, bago pa siya i-confine St. Luke’s Medical Center nang mga halos sobrang tatlong linggo bago siya pumanaw.

‘Andoon siyempre na mami-miss ni Ariel ang mga patawa ng kanyang ina at ganoon na lamang ang kalungkutan sa paglisan ng kanyang pinakakamahal na ina.

Minsan, napakalungkot talaga ng buhay ng tao, kailangan mo talagang masaktan, masugatan at mabigo ngunit sa bandang huli ay dapat ka pa ring ngumiti, tumawa, hindi mawalan ng pag-asa, lumaban at lagpasan ang mga dumarating na daluyong sa buhay.

Kasama ng mga awitin ng nakaraan ang mga kuwento ng mga mahal natin sa buhay. Hayaan mo, Mommy Elvie, hindi ka nag-iisa roon sa piling ng Maykapal. Doon ay wala nang sakit na nararamdaman. Sa gitna ng iyong pagbibigay-kasiyahan sa mga taong tumangkilik sa iyo bilang isang artista, kami ay nagpapasalamat sa iyo, Mommy Elvie.

BAHAGI NG DAHILAN NI POPE BENEDICT XVI KUNG BAKIT SIYA NAG-RESIGN

 

KAMAKAILAN, ANG Simbahang Katoliko at buong mundo ay nagulat ng inanunsyo ni Pope Benedict XVI na siya ay aalis na sa kanyang puwesto bilang lider ng mga Katoliko sa buong mundo. Narito ang kanyang bahagi ng kanyang pahayag na aking nakalap:

Dear Brothers, I thank you most sincerely for all the love and work with which you have supported me in my ministry and I ask pardon for all my defects. And now, let us entrust the Holy Church to the care of Our Supreme Pastor, Our Lord Jesus Christ, and implore his holy Mother Mary, so that she may assist the Cardinal Fathers with her maternal solicitude, in electing a new Supreme Pontiff. With regard to myself, I wish to also devotedly serve the Holy Church of God in the future through a life dedicated to prayer.

From the Vatican, 10 February 2013

BENEDICTUS PP XVI

Bilang komentrayo sa kanyang pagre-resign, dapat siguro ay ipanalangin at igalang natin ang kanyang paniniwala, prinsipiyo at pananaw sa kanyang paglilingkod bilang alagad ng Diyos. Ang langit lamang ang maaaring humusga sa kanya. Maaring ninais niyang lumiban na sa kanyang puwesto dahil hindi na niya kaya bunsod ng health reasons, subalit siya rin naman ay humingi ng paumanhin sa kanyang mga pagkakamali. Kung sino man ang may mga ibabato sa kanya ay tiyakin lamang niya na wala siyang pagkakasala. Ang kabuuan ng kanyang panulat tungkol sa kanyang pagre-resign ay maaari kong ilabas sa susunod.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For commenst and suggestions: email. [email protected]; cp# 09301457621

 Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

Previous articleTanga, Bobo o Inutil?!
Next articleGabby Concepcion, type ni Atty. Ferdinand Topacio!

No posts to display