BLIND ITEM: Ikinuwento sa amin ng isang bading na direktor ng teleserye na ibinu-booking sa kanya ng isang friend niyang bugaling (bugaw) ang isang matangkad at guwapong aktor for P15k.
Sabi namin sa director, “Baka naman ineetsing ka lang ng friend mo, direk? Baka press release lang niya. “Hindi naman. Me i-binuk na sa akin ‘yang friend ko, in fairness, totoo. Kaso, itong ibinu-book niya sa akin, pinag-iisipan ko pa kung papatusin ko.
“Dyusko, ‘teh, sa hirap naman ng buhay ngayon, tangna, titihaya lang siya, siya na ang paliligayahin, kinse mil, agad-agad? Teka lang naman, ‘di ba? Pero malay natin, makati-katihan ko’t patulan ko rin ang lolo mo.
“Mukha namang marami nang pinagdaanang bakla ‘yan bago siya nakilala sa showbiz, eh. Kaya patol na sa kinse ‘yan!”
Daks daw ba?
“Ewan ko. Sana naman, maka-survive ako sa notes niya. Hahahaha!” sabi ng bading na direktor. ‘Yun na!
“GRABE, MARE, ‘yang si Coco Martin! Hindi ko alam kumbakit ang lakas-lakas niya sa tao. Alam mo ba, du’n sa Yahoo OMG! Awards? Grabe! Siya ang pinakatinitilian sa Arena! ‘Yun lang nakangiti ang mukha niya, parang napaka-endearing niya sa tao. Witness ako kung gaano siya kasikat, kaya he just deserved the title as Actor of the Year.”
‘Yan ang sabi ni Ms. Marilen Nuñez, ang event organizer ng Yahoo OMG! Awards Night last July 6. Sabi nga namin kay Tita Marilen, ngiti pa lang ni Coco, hindi mo na maipaliwanag kumbakit otomatik nang mamahalin mo siya agad!
Kahit ‘yung mga dumadalaw lang sa set ng Walang Hanggan, Dyusko, nagtatatalon na ang mga kababaihan ‘pag palapit na sa kanila si Coco. Kaya sabi nga namin noon kay Coco, ingatan na niya ang magandang pangalan niya. “Oo nga, Kuya Ogie, eh. Sinasamantala ko na, kasi minsan lang dumating ang ganitong oportunidad!”
HINDI LANG sa pulitika o sa kahit na anong uri ng trabaho may balimbing. Kahit ang panahon ngayon, grabe ang pagka-balimbing. Saglit lang aaraw, tapos, maya-maya, magagalit na naman ang langit, uulan nang pagkalakas-lakas.
Na kahit gaano ka kagaling sa spelling, hindi mo talaga maispeling ang panahon ngayon.
Honestly, nag-aalala kami sa mga masasalanta ng bagyo, lalo na roon sa mga kababayan nating nasa lugar na umihi lang ang langit ay baha na sa kanilang lugar. At ‘yung ibang bahay na nagbabanta pa lang ang malakas na ulan sa napakalakas na hangin ay nabubuway na.
Minsan nga, para hindi na lang matakot ang mga tao ngayon sa maaaring magawa ng bagyo sa kanilang buhay, iniisip na lang natin ang palasak nang kasabihan na ‘pag malakas ang ulan, more blessings will come.
Juice ko, how we wish, ‘no?
Basta lagi na lang tayong magdasal at ‘wag nating kalimutang isama sa dasal na sana, kung uulan man, ‘yung sakto lang, ‘yung kaya lang nating intindihin. O kung sasalantain man tayo, sana, merong mga tao, lalo na ang mga taga-gobyerno na handang tumulong.
Oh My G!
by Ogie Diaz