NAAALALA niyo ba ang maknae ng iconic K-pop girl group na 2NE1 na si Minzy? Pumirma na ito ng co-management contract sa Viva Artists Agency. Ibig sabihin, magkakaroon ito ng ilang proyekto sa Pilipinas.
Para umpisahan ang kanyang Philippine journey, nilabas na ito ang Tagalog version ng kanyang bagong K-Pop single na ‘Lovely‘, isang inspiring pop ballad na swak na swak sa kasalukuyang pinagdadaanan ng mga Pinoy habang naka-lockdown at nakaka-experience ng self-doubt. Narito na si Minzy para ipaalala how lovely you are!
Kahit na chorus part lang ang tagalized a kakalabas na single ng Korean singer, ramdam mo pa rin ang warmth at sincerity nito. Sa katunayan, maganda ito gamitin sa isang KDrama o sa isa sa upcoming romance-comedy film projects ng Viva Films. Sa Ultimate Oppa kaya nina Bela Padilla at Kim Gun Woo, na huling napanood sa sikat na Netflix KDrama series na ‘Record of Youth’ na pinagbibidahan ni Park Bo-Gum. Hindi lang si Minzy ang makikinabang dito kundi maging sina Bela at Kim Gun Woo dahil siguradong susuportahan din ito ng mga blackjacks (tawag sa fans ng 2NE1).
Narito ang Tagalog version ng ‘Lovely’ ni Minzy:
Sa mga curious, narito naman ang original music video ng ‘Lovely’ ni Minzy:
Speaking of 2NE1, sure kami na happy ang beloved Krung Krung natin na si Sandara Park o DARA sa bagong development ng kanyang former bandmate sa kanyang karera. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Minzy. Luckily for our Sandara Park, marami pa rin siyang mga projects sa South Korea kahit na sa totoo lang, ang wish talaga namin ay mapanood natin siya muli sa isang KDrama, or better yet, in a South Korean-Philippine movie project! Why not, ‘diba?