NA-SHOCK si Aga Muhlach sa naging resulta sa takilya ng pelikulang Miracle In Cell No.7 sa unang araw ng 2019 Metro Manila Film Festival na nagsimula nitong Pasko, December 25.
Mahaba ang pila sa mga sinehan ng mga taong gustong mapanood ang Miracle In Cell No. 7 na ginawan ng Pinoy adaptation ng Viva Films para sa MMFF. Pumangalawa ito sa pelikula ni Vice na The Mall The Merrier.
Dahil sa success ng movie ay nag-post din si Aga ng kanyang pasasalamat using his Instagram account na @agamuhlach317.
“I am truly humbled. Maraming salamat talaga sa inyong lahat! Daghang salamat sa napakalaking himala na ito. #miraclesdohappen #noodnapo”
Nagsagawa rin ng theater tour si Aga on the second day of the festival para personal na pasalamatan ang mga taong tumangkilik ng kanyang pelikula.
Sa isang post ni Aga, ibinahagi nito ang reaksyon ng isang netizens na napanood ang Pinoy version ng Miracle In Cell No. 7 at ang Korean version ng pelikula.
“We did watch the Korean original version before typing this. There were parts that were better. But they were practically the same. Main difference is the Filipino version is WAY FUNNIER. So, I enjoyed the Filipino version more than the Korean one.”
Kasama ni Aga sa Miracle In Cell No. 7 ang bibong bata na si Xia Vigor, Bela Padilla, JC Santos, John Arcilla, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz. Rated G ito ng MTRCB at Graded A ng Cinema Evaluation Board.