SA KOLUM NI Tita Swarding dito sa Pinoy Parazzi nalathala ang pagkadismaya ni Maria Isabel Lopez kay Stella Marquez de Araneta. Bunsod ito ng pagkaka-ban ng naturang organizer sa dating Binibining Pilipinas-Universe winner on the grounds of “morality.”
Worse, tila stricken off na ang pangalan ni Isabel sa listahan ng mga past titleholders kung kaya’t hindi siya iniimbitahan sa taunang pagdaraos ng patimpalak. Sa madaling salita, it is as though Isabel did not proudly wear her crown.
Herself a former Binibining Pilipinas-Universe who placed first runner-up in the Ms. Universe years ago, natiyempuhan ko si Miriam Quiambao sa set ng Kimmy-Dora sa Antipolo City. Ano nga ba ang kanyang masasabi sa hidwaan sa pagitan ng kanyang kabaro at ni Ginang Araneta?
“You know, I feel sad. I can only wish that both of them find peace in their hearts, but more of understanding and forgiveness on the part of Mrs. Araneta,” mahinahong sabi ni Miriam.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na minsang pumalaot sa bold trend si Isabel. To my recollection, sukob ‘yon sa isang taon mula nang manalo siya sa Binibining Pilipinas. Big deal ‘yon sa pamunuan ng kontes kung kaya’t kagyat siyang dinisown.
“If Isabel went bold, I think she had a reason for it,” depensa ni Miriam, “it’s not for us to judge whether it was right or wrong. Choice niya ‘yon. Ang akin lang, buksan sana ni Mrs. Araneta ang kanyang isip at puso.”
Personally, si Miriam ba ang tipo who will follow the bold trail? “Ay, ayoko! Tama na ‘yung pa-sexy. Di ba, I posed sexy for a magazine? I even wore two-piece, kasi depende naman ‘yon, but going bold, I don’t think I’m cut out for it. Sabi ko nga, kanya-kanyang choice lang ‘yan, it’s a matter of respecting anyone else’s choice.”
Sa ngayon, masaya na raw si Miriam na nagagawa niyang gampanan ang iba’t ibang uri ng papel bilang artista. Armed with hosting skills back in her stint with the GMA News and Public Affairs, kakaibang karanasan naman daw ang sumubok sa komedya, such is her role as the executive secretary in Spring Films’ Kimmy-Dora.
Boss ni Miriam si Eugene Domingo (who plays Kimmy and Dora) na lagi nitong binubugbog even at her slightest mistake. Yup, pumayag ngang ma-deglamorize ang former beauty queen for the love of the project, at nagsasabi siya nang totoo. Hindi siya….kiyemedora!
MINSAN PANG PINATOTOHANAN ni Gretchen Barretto na hindi showbiz ang kanyang live-in partner (pa rin nga ba?) na si Tonyboy Cojuangco.
When spotted recently at the Cinemalaya launch, isang TV crew ang dali-daling sumunod kay Tonyboy upang hingin sana ang kanyang pahayag ukol sa pagsuporta sa naturang proyekto. Isa kasi si Tonyboy sa mga major sponsors ng event.
Tonyboy, however, wouldn’t speak a word. Ayaw niyang magkomento ng kahit ano, thinking perhaps na pasakalye lang ang tanong tungkol sa Cinemalaya only to see himself caught in a web of questions about Gretchen.
Iling lang bilang hudyat ng pag-ayaw na mainterbyu ang naging tugon ng nego-syante. Duda tuloy ng di-nagtagumpay na TV crew: hiwalay na sila ni La Greta!
Bagooo???
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III