ISA SA pinaniniwalaan namin na tunay ang pagkilos para matulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda at mga kalamidad na naranasan nating mga Pinoy ay ang partylist na Akbayan.
Last Saturday, sa 1st anniversary ng Yolanda sa Tacloban City, nandu’n si dating partylist Rep. Rizza Hontiveros, at hindi nakadalo sa isang mahalagang event na nagbibigay-pagkilala sa role ng kababaihan sa nakaraang kalamidad.
Noong Sabado, in full force na sinuportahan ng Miss Earth 2014 candidates ang advocacy ng Akbayanihan Foundation na ang objective ay bigyan tulong at proteksyon ang mga kababaihan na nasalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Marie Chris Cabareros, spokeperson para sa Akbayanihan, during the rescue and relief operation, nadiskubre nila na may reported cases of rape and other forms of violence against women. May balita rin na nakarating sa kanila na lalong tumaas ang kaso ng sex trafficking sa mga areas na todo nasalanta ng delubyo bilang alternatibong pamamaraan para masuportahan ang mga basic na pangangailangan ng kanilang mga pamilya sa evacuation centers.
Maganda ang effort ng pamunuan ng Miss Earth 2014 dahil with the candidates’ presence at openly sa pagsuporta sa naturang advocacy, kinikilala ng Akbayanihan ang malaking tulong na magagawa ng mga kandidata para maitawid ang mensahe sa publiko para lalong maintindihan ng nakararami ang totoong sitwasyon.
At least ang mga naggagandahang mga candidates, hindi lang pam-beauty at pagsuot ng swimsuit ang gagawin, kundi may malaking bahagi rin sila sa kampanya para maintindihan ng publiko ang issue at pangangailangan ng mga kababaihan sa mga ganitong sitwasyon.
Bukod dito, katuwang ang Miss Earth sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon tungkol sa climate change at kung papaano mapaiigi ang mundo na ating tinitirhan.
Ang Miss Earth 2014 coronation night ay magaganap sa darating na November 29 sa University of the Philippines-Diliman. Ang current Miss Earth 2013 na si Alyz Henrich ay mula sa bansang Venezuela.
Akbayanihan Foundation is a volunteer organization comprised of young and dedicated individuals na nakikipagtulungan sa civil society para maisakatuparan ang kanilang mga mithiin.
Reyted K
By RK VillaCorta