SA TOTOO LANG, medyo confused kami sa tinatahak na showbiz career path ni 2016 Miss International turned sexy actress na si Kylie Verzosa.
Hindi na bago para sa mga beauty queens na mag-transition sa showbiz. Ilan sa mga successful actresses na nakagawa nito na nananatiling aktibo sa showbiz ay sina Gloria Diaz, Pilar Pilapil, Precious Lara Quigaman, Alice Dixson, Maria Isabel Lopez, Bianca Manalo, Cindy Miranda, MJ Lastimosa, Ariella Arida at Maxine Medina. Lalo pang humahaba ang listahan as time goes by.
Kung ang kanyang kasabayan at fellow Los Bastardos co-star na si Maxine Medina ay piniling gumawa ng villain roles sa telebisyon, mas naging matapang at mapangahas naman si Kylie Verzosa. Kahit sa kanyang unang pelikula na ‘Abay Babes’ at mga sizzling scenes with Jake Cuenca sa Los Bastardos ay ipinakita na ni Kylie na she’s willing to do daring roles. Ito ang dahilan kung bakit in a way ay naintindihan namin kung bakit niya tinanggap ang Philippine adaptation ng South Korean erotic film na ‘The Housemaid’. In fairness, nabantayan ang pag-arte niya doon. Kung Cannes winner nga naman ang proyektong gagawan ng remake, talaga naman ikukunsidera mo.
Pero na-lost kami nang makita ang trailer ng ‘My Husband, My Lover‘, dahil talagang all-out ito sa pakikipaglampungan sa kanyang leading men na sina Marco Gumabao at Adrian Alandy. Ang kanyang ‘karibal’ na si Cindy Miranda ay matagal na rin tumatanggap ng mapangahas sa roles sa kanyang Vivamax movies, pero iba ang pagkabigla namin kay Kylie Verzosa dahil para sa amin, hindi na niya kailangan gawin ang mga ganitong klaseng pelikula. She is Miss International!
May eksena sa trailer kung saan kasama niya sina Marco at Adrian sa iisang kama at siya ay kanilang niroromansa. Nang mapanood namin ang pelikula, napaka-broken ng karakter ni Alice, na you will not root for her. Siguro, kalahati ng pelikula ay puro love scenes nina Marco at Kylie, Adrian at Kylie, Cindy at Marco at Cindy at Adrian. Naisip nga namin na siguro, mas mainam kung isa sa mga starlets ng Vivamax na lang ibinigay ang proyekto.
Ano nga ba ang career path ni Kylie Verzosa? Lahat ba ng beauty queens sa kanilang agency ay required na gumawa ng ganitong klaseng proyeto? Just asking..