BLAME IT ON HER original place of origin kaya ganu’n na lang ang sampalataya ni Mrs. Stella Marquez-Araneta sa pinagmulang Colombia in terms of rigid training required of every year’s contestant to international pageants like the Miss Universe.
Taun-taon, before any local candidate travels en route to the host country ay hindi maaaring hindi ito sasailalim sa pagsasanay sa Colombia. Parang it’s half an assu-rance that a Colombian training translates to plus points ‘pag inihanay na ang ating bet alongside her fellow hopefuls from more than 80 countries.
Granting na mahusay nga sa pagte-train ang Spanish-speaking nation na ito, we cannot help but pose a valid question: Bakit pinakamataas nang mapasama sa semi-finals ang kandidata mula sa Colombia? Sa magkasunod na Miss Universe, both Maria Venus Raj and Shamcey Supsup were initially under Colombian training before they fought in the pageant.
Tulad ng alam ng lahat, nasungkit ni Venus ang ikalimang puwesto (fourth runner-up) while Shamcey was adjudged third runner-up (even judge Lea Salonga confessed to voting Shamcey for the first runner-up title).
For a change, bakit hindi rito sa atin sumailalim naman sa pagsasanay ang mga taga-Colombia? Isa na rito ang dating Binibi-ning Pilipinas-Universe Abigail Arenas who’s a well-trained personality development specialist. Eksperto na si Abigail sa dynamics o pag-evolve ng mga international beauty pageant compared to her time.
Look at Venezuela, the country that boasts of quite a number of title holders over the past 10 or so years, ni minsan ba’y pinag-train nila ang kanilang pambato sa Colombia? The least that the Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) can do is to set up its resident training school with international standards, hire the best local trainers na puwede ring buuin ng mga past winners with high performance ratings when they competed abroad.
BLIND ITEM: NAUDLOT ang dapat sana’y duet ng showbiz couple na ito nang kapwa sila magkapikunan, na ikinaresulta ng paggwo-walk out ng isa sa kanila.
Kilalang may boses kahit paano ang male partner although hindi naman sa larangan ng pagkanta siya nakilala’t sumikat, as opposed to his partner who has chosen to stay in the sidelines letting her husband shine in his chosen field.
But the couple cannot deny the fame na kapwa nilang tinatamasa,both here and abroad, most specially the male partner who — despite his major inclination towards a non-artistic discipline — is a showbiz icon that he has fiercely become.
Sa kanyang TV show naisip na pagsamahin silang mag-asawa in a duet. Pero habang ineensayo nila ang kanilang piyesa, pakiramdam nila pareho ay may “patama” ang mga awiting ‘yon na puwedeng sabihing angkop sa kanilang pagsasama.
Ang ending: nag-walk out ang isa sa kanila, taking the nearest exit at the studio. At napurnada tuloy ang inaasahan pa man ding ikare-rate ng program ng male partner.
WHAT DO YOU know, isang taon na palang kasangga sa kalusugan ng TV5 ang programang Alagang Ka-patid. Nitong Sabado at kahapon ay ipinagdiwang nito ang unang hakbang ng mga Pilipino para sa mas malusog na pamumuhay.
Pinagtulungang ayusin ng buong puwersa ni Cheryl Cosim at ang kanyang Liga ng Kalusugan ang tinagu-ring ImbestigaDOK na sina Doc Ali Bilas at Doc Walter Laurel, fitness guru na sina Coaches Gelli Victor at Noelle de Guzman at ang resident chef na sina Chef Jeremy Favia at Chef Francis Tolentino — ang isang health center na sumasalamin sa sari-sa-ring mukha ng kahirapan sa liblib na barangay sa Northern Samar.
Sinaluduhan din ng programa ang isang doctor to the barrio sa kanyang hindi matatawarang dedikasyong paglingkuran ang mga may sakit. Sinagip naman ang batang si Gian na ipinanganak na may kakaibang bukol sa leeg, at ang ina na si Mary Jane na nanganganib mawalay sa mga anak dahil daw sa kanyang lumalalang pagkabaliw.
Tutukan ang Alagang Kapatid tuwing Sabado, 6 a.m. at Linggo, 7 a.m. sa TV5.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III