Hindi ako mahilig sa beauty contest. Martes ng umaga ko na lang nalaman na tapos na pala ang Binibining Pilipinas. May bago nang Bb. Pilipinas-Universe na nanalo na nangangarap na maging tulad ni Pia Wurtzbach na hinirang bilang Miss Universe last year.
Kaya nga nang malaman kong si Pia Wurtzbach na dating bagets star ng Star Magic ang nanalo as Miss Universe, ngumiti lang ako. Sabi ko sa sarili, just another beauty queen.
Matapos ang isang taon, its either pasukin ni Pia muli ang showbiz at maging full-time artista at bida sa mga pelikulang lokal o ‘di kaya’y maging fashion model ng mga matatandang mga designers na walang pagbabago ang mga disenyo at aabangan ng publiko, lalo na ng mga Pinoy kung ano ang magiging kahihinatnan ni Pia after her reign as Miss Universe.
Sa early part ng kanyang reign as the current Miss Universe, nasusundan ko panaka-naka sa social media ang ilang aktibidades niya.
Ang sipag nga niya na tuparin ang mga schedules of activities niya na left and right ang TV guesting’s niya sa iba’t ibang shows, kung saan masaya niyang inilalahad ang karanasan niya as the new Miss Universe.
Napanood ko rin ang pagpapakita sa telebisyon ng kanyang apartment sa New York na pansamantala niyang tinitirhan habang siya ang may hawak ng korona as Miss Universe.
Pero mas interesado yata si Ms. Pia na pagdiskitahan ang kanyang romansa with Mikhail Varshavski aka Dr. Mike na mas kilala sa taguring “World’s Sexiest Doctor” habang ang daming issue sa bansang pinagmulan niya ang dapat siguro ay pagtuunan niya ng pansin, lalo pa’t siya bilang isang Miss Universe, malaki ang magiging impluwensiya niya sa publiko, lalo na sa mga fans niya, ng kanyang paniniwala at opinyon sa mga issue.
Pinagpistahan ang sa kanila ni Dr. Mike. Mayroong IG posting nga akong nakita na habang tipong basa ang buhok ni Pia, si Dr. Mike naman ay tila bagong gising sa itsura ng buhok niya.
Assessment ng mga malisyoso tungkol sa picture, baka nag-overnight si Dr. Mike sa apartment ni Pia or vice versa.
Isyung malaki ‘yun sa social media. Dahil sa posting na ‘yun, may mga sitsit na tungkol sa dalawa.
Ngayon na nandito sa bansa si Pia para sa coronation night ng Bb. Pilipinas na natapos na pala last Sunday, wala man lang yata akong nabasa o napuna sa social media or interview mula sa current Miss Universe na may statement o opinyon siya sa isyu ng Kidapawan Massacre o ‘di kaya’y sa nalalapit na eleksyon.
Ano na kaya ang nangyari sa HIV concerns niya na during the Miss Universe competition, ito ang issue na pinalakpakan sa kanya at ikinabilib ng karamahina kay Pia? O baka isa lang itong palabas para magpasiklab sa mga faney at nanonood sa buong mundo nang mga oras na ‘yun?
Sabi sa akin ng isang kabigan: “Huwag mo na siyang pag-aksayahan ng panahon at espasyo. Beautiful face lang siya at hayaan mo na lang siyang maglumandi sa Dr. Mike niya. Who knows after her reign, mag-aasawa na ‘yan o di kaya’y magpapabuntis.
“Hindi siya si Maita Gomez or Nelia Sancho (former beauty queens) na kahit hindi man siya sumampa sa bundok at humawak ng armas ay may ganu’ng simpatiya sa issues at concerns na totoo. Don’t expect an Aurora Pijuan sa isang Pia,” pahayag ng kausap namin.
Dagdag pa nito: “Next year may patimpalak na naman si Stella Araneta at may isusugang local beauty queen natin para makipagsapalaran sa Miss Universe. Next year makakalimutan na rin siya at bahagi na lang ng history ng Bb. Pilipinas at Miss Universe si Pia,” pahayag ng kausap namin.
Reyted K
By RK VillaCorta