Mister ni SUNSHINE DIZON, nagbababad sa isang bar sa Pampanga?!

BLIND ITEM: DAHIL first time na nakahawak ng malaking pera galing sa cash prize na kanyang nakuha sa pagkapanalo sa isang reality show, ayun, tatlong buwan lang e, ubos agad ang isang milyong piso.

Actually, P600,000.00 pesoses na lang ang na-take home ng boylet dahil binawasan pa ito ng tax at ng komisyon ng kanyang manager pero, hello! Malaki na rin ‘yung more than half a million pesoses para maubos ‘yon ng tatlong buwan lang, ‘no!

Ang sabi, dahil laki sa hirap ay nagpasarap daw ang bagets sa isang five star hotel for one month. Bukod du’n ay kaliwa’t kanan din ang kanyang panlilibre sa kanyang mga relatives and friends.

And op kors, dahil lumaki sa wala e, kinuha na rin niya ang opportunity para bumili ng mga personal na gamit para sa kanyang sarili.

Naisip lang namin, kung may nag-advice lang nang maganda sa bagets, sana e, itinaya na lang niya sa negosyo ang kanyang pera at malamang, nanganak pa nang nanganak ng pera ang kanyang napanalunan.

Kung ganu’n ang kanyang ginawa, malamang, hindi siya ngayon for sale sa mga bading sa isang TV network.

Clue? I-recite n’yo na lang ang alphabet from A to L at malamang, mababanggit n’yo ang kanyang name… getz?!

YAP! IKINASAL NA nga si Sunshine Dizon sa isang non-showbiz guy at dapat sana e, pribado na ang kanilang married life. Pero parang si Mike Enriquez ang mga nang-iintriga sa mag-asawa. Talagang ayaw silang, tantanaaaan!!!

Isang classmate noon ng husband ni Shine ang nagsabi sa amin na hindi naman daw true na cum laude si Timothy. Isang average student lang daw ito na hindi niya dapat ikahiya. Hindi naman daw sobrang walang alam ang dyowa ni Sunshine pero basta, hindi raw ito cum laude gaya ng pralala ni Shine, sumpa ng kausap namin na classmate pa niya sa St. Mary’s Academy sa Guagua, Pampanga.

Nagtataka rin ang kausap namin kung bakit hanggang ngayon na may asawa na si Tim ay lagi pa rin itong naka-istambay sa 17th Avenue Bar sa Northwalk, San Fernando, Pampanga. Bukod du’n ay mahina rin daw ang limang bote ng beer kay Tim every night.

Kung bibigyan natin ng benefit of the doubt ang pagba-bar ni Tim kahit na may asawa na siya, siguro, may blessing ito ni Shine at nag-a-unwind lang ito. Ayaw naming isipin na sa ikli ng panahon na ikinasal sila ni Shine e, lagi silang nag-aaway at nabuburyong na si Tim sa hindi namin alam na dahilan.

Pero ang ‘kakaaliw na tsika sa amin ng aming kausap, lahat ng boylets daw na nagwo-work sa grocery nila sa Pampanga ay naka-cycling shorts. Nope. Hindi ang pagse-seduce ng mga bading na costumers ang reason kung bakit ganu’n ang kanilang outfit kundi sinadya raw ‘yon ng pamilya ni Tim para raw hindi makapamulsa ng items ang mga trabahador, bwa-ha-ha. Astig!!!

Congrats sa PMPC project Stars For A Cause dahil successful ang kanilang benefit show na ginanap sa SM Entertainment Plaza, SM North Edsa last May 29.

As promised, dumating si John Lloyd Cruz na bumawi yata sa kanyang absence sa nakaraang Star Awards for Movies, Toni Gonzaga, Allan K, Richard Poon, Ronnie Liang, Rayver Cruz, Sam Concepcion, Faith Cuneta, Emilio Garcia, Blanktape, Himig Ariel, Sofia Sarmiento, Cris Cayzer and a lot more.

PMPC would like to thanks their sponsors na sina Direk Carlo Caparas & Ms. Donna Villa, Mr. Daniel Razon, UNTV, Gov. Vilma Santos, Genesis, Ms. Angeli Pangilinan, Tim Yap, Gretchen Barretto, John Lloyd Cruz, Mariel Rodriguez, Mr. Peter Pielago, Mosbeau, Fragrance of the Stars, New Placenta and Molecules.

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleGeoff Taylor, reformed chickboy!
Next articleKRIS AQUINO, GINAGAMIT NGA BA NG MGA PAPARAZZI HOSTS?!

No posts to display