LAST WEDNESDAY, personal na ipinakilala sa media ang Top 8 ng The Voice of the Philippines, kung sino sa Team Apl (Thor at Janice Javier), Team Sarah (Morissette at Klarisse de Guzman), Team Lea (Mitoy at Radha), Team Bamboo (Paolo Onesa at Myk Perez) ang tatanghaling first grand champion ng singing-reality show. Present din sina Robi Domingo at bilang host. Bawat team ay nagbigay ng kani-kanilang song numbers bago nila sinabi kung anong klaseng paghahanda ang gagawin sa nasabing competition.
Bakbakan ng four-chair turners ang magaganap sa Team Apl sa pagitan ng tinaguriang ‘mighty’ Thor at ni Janice, na parehong may maipagmamalaking experience pagdating sa pagpe-perform.
Say ni Thor, (‘Janitor’ ang tawag namin sa team nila ni Janice), “Ibayong paghahanda ang gagawin ko this Sunday, iiwasan ko munang magsalita. Seryoso kong pinakikinggan ‘yung song na kakantahan ko this week. Mabigat na kalaban si Janice, kailangang paghandaan, kailangang itodo ko na.”
Banat naman ni Janice kahit may cyst ito sa lalamunan at bawal mapagod, “Hindi maiiwasan dahil ang daming activities. Kailangan mag-rest pero mahirap gawin dahil ang dami kong suporters lalo na sa Bangkok. Prayers na lang, especially sa lahat.”
Dalawang divas naman ang magtutunggali mula sa Team Sarah na parehong bata ngunit palabang sina Morissette at Klarisse. Nahasa na ang dalawa sa pagsabak sa iba’t ibang singing competition. Handa na silang ipaglaban ang kanilang pangarap na maging susunod na singing superstar.
Kapansin-pansin ang style of singing ni Klarisse on stage,mala- young Sarah Geronimo ang dating sa amin ng kanyang boses. Advantage ba ito sa baguhang singer na ikumpara siya sa Pop Superstar?
“Advantage ‘yun para sa akin na kahawig ko raw ang boses ng idol kong si Sarah. Kahit saan ako ngayong magpunta, nakikilala na nila ako. Nagkataon pang si Sarah ang naging coach ko rito sa The Voice. Sa ngayon pinaghahambing kami ni Sarah, identified ako sa kanya. Eventually, magkakaroon din ako ng sarili kong identity after this competition,” turan ni Klarisse.
Para naman sa Team Bamboo, maglalaban ang singing heartrobs na sina Paolo at Myk. Nabihag nila ang puso ng publiko, at patunay nito ang consistent top ranking nilang dalawa sa botohan sa nakaraang live shows.
“Tuluy-tuloy na pagpa-practice sa bahay para mabigyan ko ng justice ‘yung song na kakantahin ko,” simpleng sabi ni Paolo.
“Practice para matandaan ko ‘yung lyrics. Pahinga. Palaging tulog kapag nasa bahay ako. Siyempre, ang inspirasyon, ang family ko,” dugtong naman ni Myk.
Sagupaan naman ng mga beterano ang dapat abangan sa pagitan nina Mitoy at Radha ng Team Lea. Mahanap kaya ni Radha ang second chance na magtagumpay sa music industry? Ano ‘yung mayroon siya na wala sa iba niyang katunggali?
“Versatility, ‘yun. Preparation at pagdarasal before the competition begins. Always ready to fight. Kahit may pressure, kailangang 100 percent ang performance na ibibigay mo sa audience. Mentally prepare and give it all what you got as a singer/performer,” simpleng sagot ni Radha na nasa listahan ng press people na pasok sa Top 3.
Siyempre, may kaba factor rin si Mitoy lalo na sa mga baguhang singer na makakalaban niya. Kahit siya ang pinakamatanda sa grupo at super sana’y na itong mag-perform on stage. Hindi raw siya nagpapabaya, pinaghahandaan niya ang bawat linggo ng competition. Nilinaw ni Mitoy na walang kinalaman ang Resorts World Hotel sa competition na ito.
“Nagkataon lang na sa Resorts World Hotel ginanap ang The Voice na co-manager ko at regular singer ako ng hotel, ‘yun.”
Isang umaatikabong tanggalian sa kantahan ang magaganap sa pagitan ng Top 8 artists ng top-rating at twitter-trending na The Voice PH para masungkit ang nag-iisang slot sa bawat team. Painit na nang painit ang pasiklaban dahil sa huling dalawang linggo, apat na live show ang hatid nito sa September 21, 22, 28, at ang grand finals sa September 29. Makaboboto na rin ang taongbayan sa live shows tuwing Sabado.
Para malaman kung sino ang nag-iisang artist na magtatayo ng bandera ng kanilang team sa grand finals, pagsasamahin ang porsiyentong nakuha ng isang artist mula sa public votes sa live shows ng Sabado at Linggo at ang score na ibibigay ng kanyang coach.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield