Engrande ang naging launching ng Executive Committee ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ng kanilang cinematic revolution/ #reelvolution na isang malaking pagbabago sa patakaran sa taunang okasyon upang ipagdiwang ang artistic excellence ng mga Pilipino at pag-ibayuhin ang sustainability ng Philippine film industry.
At ang malaking pagbabagong ito ay sa pangunguna ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Emerson Carlos. Ang mga pagbabago sa MMFF ay mga sumusunod : criteria ng mapipiling entries, deadlines, at pagtanggal ng labanan ng New Wave Films.
Ipinakilala rin dito ang bumubuo ng Executive Committee at ang mga kasapi ng Screening Committee mula sa iba’t ibang sector ng lipunan.
Ilan sa pa sa pagbabago ay ang pagkakaroon nito ng bagong logo at pagtatanghal ng kanilang Gabi ng Parangal na mangyayari na sa January 8, 2017, at ang pagkakaroon ng People’s Choice Award.
Maghihigpit din sila sa deadline ng submission ng pelikula.
“Deadline? Deadline, it’s dead. Patay. So talagang we should stick to it. Of course, dati na nating pinag-uusapan ‘yan,” ayon kay MMDA Chairman Carlos.
“This came all about because we want change, ‘di ba? Actually, the demand came from the stakeholders. Sabi nila, dapat hindi script ang batayan ng pagpili ng mga entry ng festival. We listened to this. We discussed it. Sabi nga, madugong talakayan ang ginawa namin para magkaroon ng desisyon. Siguro this is the right time to accept entries based on finished products. Maybe it would be very hard for the first time, for this year. But people can adjust.
Dagdag pa nito, “But eventually, ‘pag nasanay tayo na finished product talaga ang basehan ng pagpili, eh mag-a-adjust na rin tayo next year. Masasanay na tayo, maaga pa lang sa taon, nagpaplano na tayo.
“With that we can achieve the change we want at lahat tayo nagpaplano ng film festival, hindi at the last moment. Pero pinaplano na natin.
“Eventually, we will have a film festival that will also hit the box-office. Were expecting this year na lahat ng entries will make it good at the box-office.
“We’re expecting na iaangat natin ang kalidad ng lahat ng kasaling entries dito sa film festival. Tutulungan nating i-promote lahat ng ito and this is one of the issues agreed upon by the Executive Committee,” pagtatapos ni MMDA Chairman Carlos.
John’s Point
by John Fontanilla