MATAGUMPAY NA naidaos ang gabi ng parangal ng 37th Metro Manila Film Festival noong December 28 sa Resorts World Hotel. Hindi naman nawala ang ilang aberya sa nasabing awards night dahil bumulaga agad ang pagkakagulo sa venue dahil sa hindi makapasok ang ibang may dalang invitation sa dami ng nagsisiksikang tao sa loob at ang tagal-tagal pang magsimula ng bigayan ng awards kaya marami rin ang nadismaya.
Hindi na rin siguro mae-etsapuwera ang pagkakaroon ng kontrobersiya sa taunang event dahil sa pagkaka-disqualify ng pelikulang Yesterday, Today, Tomorrow sa ilang kategorya sa gabi ng parangal na ikinainit ng ulo ni Mother Lily Monteverde, huh! Ang resulta in-snub ng mga artista ng nasabing movie ang awards night. Kabog!
Humakot naman ng tropeo ang pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni ER Ejercito kabilang na ang Best Supporting Actor para kay John Regala at Best Picture award. Kuwestyonable rin sa iba ang pagkakapanalo ni Dingdong Dantes bilang Best Actor sa Segunda Mano dahil sa deklarasyon ni Kris Aquino na itataya nito ang buhay ‘pag hindi nanalo ang aktor. No-show si Dong gaya ni Maricel Soriano na nanalong Best Actress sa Yesterday, Today, Tomorrow, at ang kuwelang pagtanggap ni Eugene Domingo ng kanyang Best Supporting Actress award for My House Husband, Ikaw na.
May mga kuwestiyon man na narinig sa mga nagsipagwagi sa MMFF, hindi na natin mababago pa ang desisyon ng mga judges dahil ayon ito sa kanilang panlasa at opinyon, ‘noh! Kung balot man ito ng kontrobersiya, ‘di rin nagpahuli ang ilang nakatutuwang eksena. Samantala, narito ang ilan sa mga napitikang larawan ng aming kamerang-gala sa nakaraang award ceremony. Klik!
Photos by Mark Atienza & Luz Candaba
By MK Caguingin
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service