MAITUTURING na ‘big night’ para kay Christian Bables ang Gabi ng Paranggal ng 2021 Metro Manila Film Festival dahil maliban sa pagsungkit ng Best Actor award dahil sa kanyang effective portrayal bilang Dharna sa ‘Big Night‘ ay ang pelikula rin ang nakakuha ng pinakamaraming awards including Best Picture, Best Director, Best Supporting, Best Screenplay and more.
Dahil dito ay hindi napigilan ni Christian na maging emosyonal sa kanyang lengthy post sa social media tungkol sa afterthoughts ng kanyang pagkapanalo. Dito ay ibinunyag din niya na muntik na siyang mag-quit sa showbiz at naisipan na rin niyang mag-migrate sa Amerika.
Post nito: “Kagabi, habang nag hihintay mag simula ang MMFF Gabi Ng Parangal, kinausap ko sila direk Jun and direk Perci.
I told them i was feeling weak. Humihina ang kapit ko sa noong siguradong rason at purpose kung bakit ko gustong umarte or maybe, somewhere along this chaotic times, the joy of giving life to a character has become unfamiliar.
I was planning to move to the US. Create a new life or maybe continue to pursue my passion in acting. Dala siguro ng anxieties dahil sa pandemya. But God moves in mysterious ways. The day i was deciding to book a one way flight to the US, nag message si direk perci pasok daw ang Big Night sa MMFF. Ipagpaliban ko daw muna ang pag alis ko, na ang akala ng lahat ng pinagpaalaman ko ay bakasyon lang.
When i finally saw our film, i was reminded of my purpose. I was reminded of how fulfilling it is to give life to Dharna. The joy of being the character. And the triumph my heart and soul feels whenever i give voice to the likes of Barbs, Intoy, Samuel, Chef Calix, Iron, etc. Hindi ko alam kung ano ang plan ni God, pero isa lang ang naging klaro sa akin. Gusto kong patuloy na makapaghatid ng mga mensaheng makakabuluhan through my art. Dito sana sa bansa natin, para sa bansa natin, kung patuloy mabibigyan ng pagkakataon.
Again, i want to thank everyone involved in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) Official. To the Board of Jurors, and to the Executive Committee, thank you for recognizing the love i have for the craft. Maraming salamat po sa parangal.
Kasabay ng pag bubunyi, ay ang pakikiusap na sana po ay patuloy niyong suportahan ang aming pelikula, ang Big Night!, at ang iba pang mga pelikulang kasali sa MMFF.
For all the Dharna, Intoy, at Barbs out there, this is for you.
Maraming salamat po.
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” pagtatapos nito.