Saludo Kami sa grupo nina Dondon Montverdede at Direk Erik Matti sa patuloy nilang pakikipaglaban sa nangyaring iskandalo sa “Honor Thy Father” na dinisqualify without due process sa Best Picture category.
Dapat lang naman dahil ang produksiyong Reality Entertainment ang naagrabyado, kaya idinaan na nila sa tamang proseso, ang pagsampa ng kaso sa Congress, thru Laguna Congressman Dan Fernandez.
I’m glad patuloy ang hearings sa Congress at base sa napagkasunduan sa diskusyon na ‘yon ay i-a-abolish na ang committees next year – at sana ay matsugi ang mga dapat na matsugi sa MMFF Execom!
Isang malaking kahihiyan sa industriya ang MMFF 2015 scandal na ito, huh!
Sa una pa lang nung irereklamo formally ang kaso, ni Laguna Cong Dan Fernandez sa Congress — ang tanging nasabi ko — sana ay “Mag-progress” ang napakahalagang imbestigasyon ng iskandalong ito — sa isang local festival na minahal natin for many years.
At hindi nga natutulog ang Langit — nangyayari na, gumagalaw na, umaaksiyon, totoong may regular hearings sa Congress!
At narito na nga po ang verdict –: “CONGRESS APPROVES MOTION TO ABOLISH ALL MMFF COMITTEES” — kunsaan nandito ang “dirty play of politics”, corruption etc!
Samantala, last January 14, sa matapang na programa ni Luchi Chruz Valdez (head of TVNews) na REAKSYON (aired in AksyonTV), natiyempuhan ko ang interbyun na ‘yun ni Luchi.
Kay husay ni Cong. Dan sumagot — buong tapang, powerful, informative, at sincere — sa kanyang mga kasagutan kay Luchi — na alam mong he was just giving facts, walang paninira.
In full conviction and confidence ang mga sinasabi ni Cong. Dan, even introducing to the whole world this DOMINIC DU na walang puso sa independently-produced films at linked nga sa anomaly o pulitika sa MMFF corruption!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro