Lumalawak na ang sunog sa nabuong kaguluhan between the MMDA-MMFF 2015 Executive Committee at ng Reality Entertainment .
Bukod pala sa issue ng hindi pagsasabi ng producer ng Reality Entertainment na producer ng “Honor Thy Father” na MMFF 2015 entry na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz na ipinalabas na sa Cinema One Originals opening night ang naturang obra ni Erik Matti (ayon sa akusasyon ng MMFF organizer), may panibagong isyu sa bangayan ng dalawang partido.
Ang panibagong isyu ay nabuking ng MMFF Execom na ipinalabas din pala ang pelikula sa Hawaii International Film Festival last November 14 and November 18 right after the local “by invitation only” screening ng pelikula sa opening event ng Cinema One Originals noong November.
Sa Hawaii International Film Festival, dalawang beses nagkaroon ng screening ang “Honor Thy Father” na may ticket selling pa during the festival which run from November 12 to 22, 2015. Kasabay ng Honor Thy Father na kasali sa Hawaii International Film Festival ang mga pelikulang Heneral Luna at Ang Magkakabaung.
Ayon a MMFF Execom, nag-violate ang producer ng “Honor Thy Father”, reason kung bakit inalis sila sa listahan ng maglalaban-laban sana sa Best Picture Category.
Isa kasi sa rules ng MMFF ay dapat hindi pa naipalabas (commercially) ang isang pelikula na isasali sa MMFF at kung meron man ay dalawang special screening lang (no ticket selling or non-revenue screening).
Sa Hawaii International Film Festival (hindi rin ipinaalam diumano ng Reality Entertainment sa MMFF Execom) ay nagbenta ng ticket ang festival organizer para sa dalawang screening ng naturang pelikula. Big violation ito sa rules and regulation ng MMFF.
After ng Gabi ng Parangal ng MMFF noong December 27, kinabukasan, December 28, ay naghain ng resolution si Rep. Dan Fernandez sa Kongreso na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon sa pagkatanggal ng Honor Thy Father sa listahan ng mga pelikulang nominado sa Best Picture category.
Sa mga hindi nakaaalam, si Rep. Dan ay artista rin sa naturang pelikula, kung saan gumanap siya bilang nakatatandang kapatid ni John Lloyd na hiningan ng aktor ng tulong para sa krimen na pinagtulungan nilang magkakapatid para magnakaw ng pera.
Dahil sa kontrobersiya (bukod sa maganda ang pelikula na dapat panoorin ng moviegoers); nag-create pa lalo na interest sa publiko ang tungkol sa obra na ito ni Direk Erik Matti.
As of this writing, pursigido ang Reality Entertaiment na magsampa ng demanda sa MMDA-MMFF Execom. Abangan…
Reyted K
By RK VillaCorta