DIRECTORIAL debut ni Crisanto Aquino ang TBA Studios film na Write About Love pero masuwerteng napasama agad ito sa top 8 films ng 2019 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula Dec. 25.
Unexpected para kay Direk Cris na mapasama sa MMFF ang movie niya pero ayon sa kanya may nakita marahil ang MMFF Selection Committee na interesting sa pelikula kaya nila ito pinili.
“Ako, ang pinanghahawakan ko pa rin yung ano niya, the way ikinuwento yung pelikula. It’s not the usual that we watch. It’s not the usual romcom na may pamilya, may confrontation, may break-up, may sampalan, hindi siya ganun, eh.
“Iba yung pagkalatag niya, yung pagkalatag niya kailangan mo lang silang subaybayan at panoorin yung journey nila bilang character – sobrang character-driven siya,” pagmamalaki ni Direk Crisanto about his film.
Hindi rin daw talaga intended for the MMFF ang Write About Love at meron na talaga silang playdate para dito.
Aniya, “Nag-start kaming mag-shoot nito December last year (2018), tapos natapos kami February this year, so ang layo. Hindi siya pinag-uusapan na dapat pang-filmfest.
“Nung una kasi naka-October siyang playdate, tapos yon nga, napag-usapan na why not let’s try to submit sa filmfest. Desisyon yon ng mga TBA bosses, eh.”
Bago maging isang ganap na director ay nagsimula muna bilang extra sa TV at pelikula si Direk Cris. After that ay nag-work naman siya bilang production assistant, script continuity at assistant director sa Star Cinema.
“Long time AD po ako ni Direk Chito Rono kaya marami akong… when it comes to learning, sobrang dami kong natutunan sa kanya,” kuwento pa niya.
“Sobra akong na-inspired kay Direk Cathy (Garcia-Molina), Direk Mae (Cruz), kay Direk Rory (Quintos). Kasi yung mga nag-start din as PA, script con, AD, kasi ang gagaling nila, eh.