Mo Twister called his househelp a ‘bitch’

NAKAKALOKA ITONG SI Mo Twister. Sa kawalang magawa siguro ay pinagdiskitahan ang mga billboards sa EDSA at ang kanyang kasambahay.

“Speaking of billboards, Q.C. is the city of shitty billboards.The stretch from C.Aguinaldo to just before North Edsa is Metro Manila’s worst,” tweet ni Mo recently.

Earlier, ito ang kanyang message patungkol sa isang billboard ng isang international star.

“What the hell is on Chuck Bass’ arm (on his billboard)? There’s something written there. I heart something?”

Nabasa rin namin ang sentimiyento niya sa kanyang kasambahay dahil pinost niya ito sa Twitter.
“My maid asks for P4k so she can do groceries for me & she comes back   w/  2  bottles  of  orange juice and some deodo-rant. no receipt. i tell her to pay attention because im going to go to the supermarket right now and show her what P4,000 pesos will buy in REAL FOOD. came back an hour later like a champion. P4,006: 6 boxes of frozen lasagna, 5 pomelos, 3 pint of ice cream, Lays BBQ chips, cheese dip, and some velcro. I showed that bitch!”
Ang maganda lang kay Mo, napakaprangka niya. He doesn’t mince words when he tweets.

TWICE REJECTED BUT he ended up triumphant in the long run. This is how to best describe Diether Ocampo’s bittersweet journey sa trabaho.

When he was a tad younger, Diether applied as a crew sa Pizza Hut but sadly, hindi siya natanggap. When he first auditioned for Star Circle Batch 1, he was also turned down.

“When I auditioned for Star Circle Batch 1, na-reject po ako diyan. Hindi sapat sa akin ‘yon, eh. I need to challenge myself kasi hindi ako tumatanggap ng failure. Buong taon ang ginugol ko, nag-aral ako, inayos ko ang sarili ko.
Nag-audition ako the following year. Naging part ako ng Star Circle Batch 2. I always share this experience with the young ones dahil marami sa kanila ang madaling gumive-up,” kuwento ni Diether sa birthday presscon niya sa Pizza Hut
Ali Mall kamakailan.

Ayon sa binata, hindi siya quitter. It seemed fated that the pizza chain which rejected him would be his longest
endorsement ever. Imagine, eleven years nang nag-e-endorse si Diet ng Pizza Hut.
“Alam n’yo naman sa loob ng industry, mara-ming pagsubok. Sa akin, part po iyon ng growing process, part ng pagi-ging mature sa lahat ng anggulo ng buhay,” Diet said adding that “life is a never ending process of learning”.
Now that he’s quite well off, Diet is giving back through his KIDS Foundation na tumutulong sa mga kabataang kapus-palad. May be-nefit golf tournament ang actor sa July 21 sa Tagaytay Highland Golf Course entitled The 2nd Diether
Ocampo Charity Golf Club.
Diet will donate the proceeds sa edukasyon ng mga bata sa Mindanao.

NAG-REACT SI HEART Evangelista sa nasulat namin dito na may isang follower si Daniel Matsunaga na parang nagbabanta na isusuplong sa immigration authorities ang Brapanese model.
Sabi ni Heart sa isang interview, malinis naman ang work permit ni Daniel at naniniwala siyang maayos ang mga papeles nito, otherwise, hindi raw niya ito sinagot kung alam niyang hindi ito magtatagal sa Pilipinas. In-acknowledge din ng aktres na meron ngang nagbabanta na ipapaalam sa immigration authorities kung hindi maayos ang work permit ni Daniel.
Two weeks ago, isang @msUndahstood ang nag-tweet ng ganito kay Daniel: “before you go back to the phil., make sure you have a working permit. would love to call the bureau of immigration and check on your papers!”
Nakakatawa ang nabasa naming reaction sa item na-ming ito last week. Sabi ng tila masugid naming follower dito sa Pinoy Parazzi, wala naman daw pangalan ni Daniel sa tweet, kaya paano raw kami nakasiguro na ang Brazilian model-boyfriend ni Heart ang tinutukoy sa post.

Helllloooooo! Mismong kay Daniel itinuweet ang message, ‘no! Magtigil ka nga!
Obviously, you were not able to read the tweet kaya manahimik ka, ‘no! You don’t know what you’re talking about.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleSarah Geronimo’s concert in Cebu is a flop?
Next articleIwa Moto and Janna Dominguez is hostile with each other because of Mickey Ablan

No posts to display