NAGMAMAGALING AT nagmamarunong ang tawag ng isang reporter-reporteran when somebody questioned why Marian Something won her first best acting trophy. At ang feeling pa niya ay personal ang banat sa idol niya, ha?
Idiot that he is, hindi niya alam na between him and the guy who said na hindi naman karapat-dapat na manalo si Marianita ay higit namang matalino ang aming friend na si Arnel Ramos.
When Arnel writes in English, tiyak na kakain ng alikabok ang writer na ito na talaga namang walang alam sa kamalayan ng acting. He should read siguro how Arnel writes a review. Hindi sila magkasukat ni Arnel dahil ang friend namin ay hindi ass-licker ng mga artista. He calls a spade a spade.
Actually, idiot lang naman ang naniniwalang magaling nang artista si Marian something just because she won an award. Or baka naman bayaran!
Kung naniniwala ka na deserving si MR of the award that she won, eh ‘di go write a discourse to prove your point, walang pumipigil sa ‘yo. ‘Yun eh, kung kaya mong gumawa ng discourse.
“We don’t weave fallacies like you do, Mr. Paid Hack! Excuse me lang, ‘nuh,” Arnel wrote in his FB account.
This social climber reporter should be fainting right now!
MABIGAT ANG binitiwang revelation ni Mo Twister sa kanyang ex-girlfriend.
When he interviewed beauty queen Krista Kleiner sa kanyang radio show ay tila ibinuhos ni Mo ang kanyang galit sa kanyang ex.
“I’m so angry at my ex, I can’t even watch her sex tapes anymore!” walang takot na sabi ni Mo.
Sino kaya ang pinasasaringan ni Mo?
Sa kanyang sinabi ay parang hawak-hawak pa rin niya ang kanilang sex video at any time ay puwede niya itong ikalat.
Naku, kung me hawak na sex tapes si Mo ay tiyak na hindi makatutulog ang kanyang ex-girlfriend. Alam naman natin kung gaano ka-vindictive Mo can get.
Ilabas kaya ni Mo ang sex video ng kanyang ex para magkaalaman na?
ISANG REGISTERED nurse si Rocco Nacino kaya naman we could only understand how he felt nang malaman niyang nag-issue ng statement ang isang aspiring senator ng hindi maganda about Filipino nurses.
“Nakalulungkot na meron palang ganoong iniisip tungkol sa mga nurses. Pero marami naman sa amin na tinatrabaho namin ‘yon para magkaroon ng degree, diploma, pumasa sa (board exam),” sabi niya during taping break sa Bayan Ko, isang mini-series na ipalalabas sa March 10 sa GMA News TV.
Napa-“ouch” na siya when a writer read to him the complete statement of the female politician.
“Well, ano, nakakasama ng loob coming from a nurse na trinabaho ko para pumasa sa exam. Hindi naman lahat ganoon, eh,” reaction niya.
“Ayaw kong pangunahan ang mga… I don’t know, maybe. Siyempre as a nurse, medyo na-offend ako. Parang hindi rin biro ‘yung four years na…,” dagdag pa ng binata who plays an ideal mayor sa Bayan Ko.
When we told him na nag-sorry naman ang pulitiko, his reaction was, “Kung nag-sorry naman siya eh, ‘di okay. Pero still she made that statement. Medyo offensive nga ‘yon.”
Since politics ang topic sa mini-series, Rocco found himself being asked kung hindi ba siya mate-tempt na pumasok sa pulitika.
“It’s very easy to be tempted by anything depende lang talaga sa ano, kung ano ang tingin ko sa politics at kung tingin ko ay kakayanin. ‘Wag na lang,” sabi niya.
“It’s a very stressful na trabaho. Ayoko nang sumali sa gano’n. Okay na ako sa showbiz. I would rather have stress from showbiz kaysa sa politics. Never, never talaga akong papasok sa politics,” paliwanag pa ng binata.
So, final answer na ba niya talaga ‘yon?
“Oo, talaga,” he said.
Well, let’s see na lang for how long he can keep his words.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas