“I BEG, if ur a celeb & ur name is NOT Bradley, Ellen, Brad, Angelina, Meryl, Kevin, Jennifer or Lupita — PLS STOP F_ _KING COPYING THE SELFIE,” Mo Twister recently tweeted.
Obviously, he was making lait sa selfie photo ng local actors natin sa katatapos na Star Awards for Movies. Sa pangunguna ni Ai-Ai delas Alas ay nag-selfie shot siya kasama sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Robi Domingo, Baron Geisler, Aga Muhlach and John Lloyd Cruz.
Pero itong si Mo, nakisawsaw at nilait pa ang selfie ng mga artistang ito, as if naman kung siya ang magse-selfie kasama ang iba pang celebrities ay magiging isang malaking hit.
Naku, itong si Mo kahit nasa ibang bansa na ay BITTER pa rin. No wonder, marami pa rin ang buwisit na buwisit sa kanya.
NAGLABAS NA ng official statement ang Philippine Movie Press Club after masulat ang revelations ni Jobert Sucaldito tungkol sa dayaan at bayaran sa nakaraang Star Awards.
“We strongly refute the said allegation,” the statement stressed, adding that “the voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, uncontestable and sacred.”
“For the past three decades of Star Awards for Movies, the PMPC has weathered the hardest obstacles and has remained undaunted.”
“There will be forces that will try to destroy the credibility and reputation of the Club, but the PMPC will remain committed to its objectives, and no amount of intimidation and coercion can shake its foundation.”
Teka, hindi ba’t ang natural na ginagawa ng officers ng isang organization ay mag-imbestiga lalo na kung merong issue ng corruption? Ginawa ba ito ng pamunuan ng PMPC? Ano naman ang ebidensiya nila para kontrahin ang pasabog ni Jobert?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas