IN A MATRIARCHAL society to which we all belong, mataas ang pagpapahalaga natin sa ating mga ina. After all, sila ang nagbigay ng buhay sa atin nang iniluwal tayo, ke sa simpleng iri tayong inilabas o sa anupamang paraan for us to see the light and the might of day.
Pero ano kayang klaseng tao ang maaaring itawag sa isang anak tulad ni Mo Twister? Hardly does showbiz know about Mo’s family background, mas lutang lang kasi ang kanyang trabaho bilang isang Ingleserong jock, who sires a beautiful daughter named Moira with former actress, now US-based and happily married Bunny Paras, and now host of TV5’s Sunday show Paparazzi.
But if you, guys, think, that this is what Mo is all about ay may itinatago siyang mas malalim na persona sa likod ng kanyang mga combative tweets: probably Mo’s real side na pilit lang niyang itinatago para mapagtakpan ang kanyang totoong mabahong imahe bilang tao, or better yet nagpapanggap bilang tao!
A self-confessed non-Twitter user, ipinabasa ng aming non-showbiz friend ang sinusu-baybayan niyang palitan ng mga tweets ni Mo at ng kaibigan-kumpareng Ogie Diaz. The exact date escaped our memory, pero lampas July 20 ‘yon nang mag-tweet si Mo—na halatang si Ogie naman ang pinatutungkulan whom he referred to as reporter—na “his mother’s upcoming death will be celebrated”.
I will not contest Mo’s philosophical viewpoint dahil sa totoo lang, death is a celebration of life. Pero magkaiba ang pagiging philosophical sa pamimilosopo, as the latter is one’s lame excuse at getting back at his detractor, kung detractor mang maituturing ni Mo si Ogie.
Still, with the help of my Twitter-user friend ay inugat ko kung saan nanggagaling ang makademonyong tweet ni Mo tungkol sa pagbubunyi ng nalalapit na pagkamatay—knock on wood!—na ipinagdarasal niya upon Ogie’s mother.
Ayon kay Mo, idinamay na raw kasi ni Ogie ang anak niyang si Moira. When I made a random check on Ogie’s tweets, oo nga naman, isinangkot nga ni Ogie si Moira… pero malinaw sa tweet ng hitad ang suhestiyon na sana’y madalaw ni Mo ang anak, yakapin at hagkan ito dahil ito ang babaeng magmamahal sa kanya.
Unsolicited advice as it sounded, klaro na walang malisya sa tinuran ni Ogie as he simply made Mo realize his paternal obligation na maaaring nakaliligtaan nito. Hardly was there any direct refe-rence to Mo’s preoccupation with other women, na kung tutuusin ay puwedeng tumbukin ni Ogie kung sino ang mas inaatupag ni Mo more than her daughter. But of course, we know who… na-RHIAN lang siya sa tabi-tabi!
Pero iba ang pakahulugan ni Mo sa tweet na ‘yon ni Ogie, si Moira na raw kasi ang binibira ng hitad. Teka, I thought Ogie had a small brain? Bakit si Moira ang pagtitripan ni Ogie, when he has children himself? Tatay sa tatay na ang usapan, what made Mo think that Ogie was picking on an innocent child na gutom sa kalinga at pagmamahal ng isang ama na mas naka-focus pa sa mga isyung na-RHIAN lang sa tabi-tabi?!
The height and the depth, ang hindi ko kineri ay ang tweet ni Mo ay ang “upcoming” death ng ina ni Ogie worthy of a celebration. Upcoming talaga?
No wonder, Mo’s tweet gene-rated negative reactions. May ina ba siya? Paano ba siya pinalaki ng kanyang ina? Umabot na ba sa puntong nananalangin siyang mamatay ang ina ng kanyang kaaway, kesa sa mismong kaaway niya?
By the way, hindi man aminin ni Mo na nagkabalikan sila ni Rhian Ramos na nilaglag din niya sa Twitter… ang tanong: had Rhian turned down his despe-rate bargain for a reconciliation, would Mo also wish for a tragedy to fall upon her family?
Ma at Pa… Malamang at Pa-nigurado!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III