TRUE BA ITO? Na panay raw ang pa-cute ni Kris Lawrence sa Twitter and Facebook kay Mocha Girl Jhane?
Bukod du’n, e, walang tigil din daw sa pagpapadala ng mga nilalanggam na messages ang RNB singer sa seksing back-up singer ni Mocha?
At si Mocha Girl Jhane naman daw,e, feeling ang haba-haba ng buhok dahil hindi lang daw si Kris ang nagpaparamdam sa kanya kundi pati na rin si Kean Cipriano na nagpahayag pa raw ng pagkagusto sa kanya on national television nang lumabas ito sa Music Uplate ng Channel 2.
Bukod du’n ay may ginawa pa raw video si Kean para kay Mocha Girl Jhane na lumalabas ngayon sa You Tube.
Wow, huh! Ibang klase pala ang beauty ni Mocha Girl Jhane kung ganu’n, dahil dalawang guwapings ang nagpapahaging sa kanya.
Ang alam namin, e, single si Kean pero si Kris? Hindi ba’t silang dalawa ni Katrina Halili ang mag-on? Paano na ‘yon (talagang na bother daw kami,o!)?
Ilang beses na kaming nakapanood ng mga shows ng Mocha Girls at kapag kumukuha sila ng mga guy participants from the audience, e, talagang wild kung mag-trip ang mga ito.
Makakaya kaya ito nina Kean at Kris kung sakali? Kung sabagay, pareho naman silang “K” ang mga initials kaya siguro, “K na K” din nila ang paglalandi sa stage ni Mocha Girl Jhane, as in “kering-keri” ja-ja-ja!!!
Isang malapit sa isang mainstream producer ang nagsabi sa amin na gagawin nilang pelikula ang nakaraang Luneta hostage taking incident.
Naku, kapag nagkataon, siguradong marami silang makukuhang reaksiyon sa paggawa ng pelikulang ito.
Hindi namin alam ang magiging implications nito sa legal matters pero ang unang katanungan diyan, e, lalabas ba sa istorya na parang gino-glorify natin ang mapangahas na hostage-taking na ginawa ng napatay na si Capt.Rolando Mendoza?
At kung sakali, hindi kaya makapag-elicit ng sympathy ang hostage-taker na makaaapekto sa takbo ng mga kasong isasampa in connection with the Luneta carnage?
Pero mukhang desidido raw ang producer. As of the moment nga raw, e, inaayos na nila at kinakausap na ang mga taong namamahala sa pagkalap ng istorya sa naganap na insidente.
Hay, siguradong magiging kontrobersiyal na naman ito kapag natuloy.
Ayaw pang sabihin sa amin ng aming kausap kung kaninong point of view ng personalidad na involve sa insidente ibabase ang istorya basta’t ang siniguro nito sa amin, e, malinis at interesting daw ang kakalabasan ng pelikula.
Sanay na sa ganitong klaseng mga pelikula ang producer na aming tinutukoy kaya hindi na kami magtataka kung hindi sila magdadalawang-isip na gawin ang malaking pelikula.
‘Wag n’yo nang hanapin sa Regal, Viva at Star Cinema ang producer na aming kausap dahil hindi sila tagaroon.
“Ang sigurado, ganitong klaseng mga pelikula ang forte ng producer at siguradong ginto rin ang magiging kita nito sa box-office kapag nagkataon,” say pa ng aming kausap.
For reaction, please e-mail: [email protected]
Sour-MINT
by Joey Sarmiento