Mochaccino… ang current fave sa kape ng current administration. Kahit itanong pa ninyo kay President Rodrigo Duterte. Mochaccikah ang peg, as in si Mocha Uson ang latest anoint ed one sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ni Presidente Digong na tila hanggang ngayon ay ‘di matanggap ng taumbayan na nag-iisip.
Sa social media, pinagsisigawan nitong si Mocha to donate her salary na malamang ay ‘di bababa sa P405,000!
Bakit kamo? Since ipinangangalandakan ni Mocha na tinitira siya ng kanyang haters sa social media ay wala siyang pakialam.
Say nga isang friend, “How can she survive? Aber? Nagsi-show pa ba siya na palagi niyang hinihimas ang boobs niya on stage para ma-elya (read: malibugan) ang audience niya? Waley na. Siyempre, iba na ang imaging niya mula nang umupo ang kanyang “idol” na si Prexy Digong.”
Sa statement ng etchoserang frog na si Mocha na hindi niya kukunin ang kanyang salary sa MTRCB, na-challenge kami at nagtanung-tanong about the government agency’s board member meetings and committee meetings kung magkano ang mga ito, on the average. Ipagpalagay na natin na at the minimum of P25K per month for a monthly board meeting at P10K per sub-committee meeting (malamang bi-monthly ito, kaya maybe minimum ito na P20K).
In short, kukubra si Mocha ng almost P225 thousand + P180K na almost half a million in 9 months. Bonggang pangkabuhayan showcase ito kung tama ang kalkulasyon sa TF ni Mocha sa MTRCB.
Ngayon pa naman na mas busy siya sa kanyang “blogging” at walang humpay na kampanya laban kay VP Leni Robledo (sa dinami-dami ng dapat niyang gawin ay may time pa si Mochachino), kung ayaw man niyang kunin ang TF niya, kung wais siya e ‘di getz niya at saka niya i-donate sa mas nangangaialangan.
Sa MTRCB appointment niya, ano ba talaga ang eksektong papel ni Mocha? Baka sa pagmamahadera niya ay talbugan pa niya si MTRCB Chairman Tito Villareal na isang abogado at propesor sa ADMU.
Sa ganang akin, sa kaguluhan na likha ng kaliwa’t kanang isyu noong nakaraang Metro Manila Film Festival, nasa’n nga pala siya bilang ambassadress nito?
Reyted K
By RK VillaCorta