Mocha Uson, binuweltahan ng netizens sa pagbabanta kay VP-elect Leni Robredo

Mocha Uson
Mocha Uson

“Mabanta” ngayon si Mocha Uson, pero hindi sa mga kaliwa’t kanang “lewd” performances to titillate the male audience, kundi sa Facebook.

Like digging her own grave na paglilibingan niya, nakatawag-pansin at umani ng batikos mula sa mga netizens ang kanyang post shortly after manalong VP si Congresswoman Leni Robredo beating Senator Bongbong Marcos by a marginal gap.

While most, if not all anti-Leni netizens ay binibira si Leni sa umano’y pagkapanalo nito sa pamamagitan ng orchestrated cheating, iba ang paraan ni Mocha, still consistent with her Duterte fanaticism. May babala ang hitad na huwag daw tangkain ni Leni na agawin ang mandato kay Digong, or else.

The surest thing perhaps is that walang ganitong ilusyon si Leni, at lalong wala ito sa isip ni Digong. And only Mocha with such a convoluted mind entertains such a morbid thought.

Kung ako si Digong ay hindi ko magugustuhan ang ka-OA-n ng supporter na ito sa akin. Bagkus I will heed Digong’s call na magkaisa na ang buong bansa, leave the wounds of the past behind at sama-sama nating harapin ang hamon ng bagong bukas.

As a consequence of Mocha’s mindless caveat, hayun tuloy, nakakaladad sa isyu pati ang paraan ng kanyang pagbibigay-aliw sa entablado, that of randomly picking a male audience, dadalhin sa stage, uupuan, at gigiling-giling with the intention of causing erection on the guy!

Teka, nakalimutan yata ni Mocha na ang pangunahing krimen na balak sugpuin ni Digong ay ang mga karumal-dumal na krimen, at isa rito ang walang-habas, maka-demonyong panggagahasa sa mga kaaawa-awa at walang kalaban-labang kababaihan, na kapag minamalas-malas pa’y iniiwanang walang buhay pagkatapos pagpasasaan.

In a way, doesn’t Mocha Uson—na edukada pa mandin (‘yun ang pralala niya, ha?)—think na sa ginagawa niyang pagsi-show, doesn’t her lewd lap dance promote promiscuity among potential rapists na baka sa kaelyahan sa pag-upo niya ay maghanap ng parausan?

Kung ‘di ba naman gaga ang hitad, ‘di ba?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous article“Ang Panday ni Richard Gutierrez sa TV5, magtatapos na
Next articlePelikula nina Michael Pangilinan at Edgrar Allan Guzman, malayung-malayo sa sampu-samperang indie gay films

No posts to display