Mocha Uson, gustong magpa-dyug kay Taylor Lautner!

Photo Courtesy of Ari Simangan
Photo Courtesy of Ari Simangan

‘PAG USAPIN TALAGA sa sex, walang preno ang bibig ng Mocha Girls lead singer na si Mocha Uson. Sa pakikipagkuwentuhan namin sa out na bisexual na si Mocha during her pictorial for ISDA Magazine, sinabi nitong iniilusyon daw niya si Taylor Lautner ng Twilight fame na kasalukuyang nasa bansa para sa isang endorsement campaign. Tanong namin, “So willing kang magpa-ano kay Taylor Lautner? Sagot nitong pabiro, “Oo kagabi nga lang pinantasya ko siya eh. Dinoggie (dogstyle) daw niya ako. Sa sauna daw kami.”

Habang nagme-make-up inusisa na namin si Mocha kung ano ba ang kakaiba sa pictorial niyang ito dahil kadalasan na naman niyang ginagawa ang maghubad.

Saad niya, “Para ito sa cover ng ISDA Magazine for September.”

Ang magiging tema ng September issue nila ay ‘freedom of expression’ kung saan si Mocha ang featured covergirl.

Dagdag pa niya, “Ito excited ako, kasi high fashion ‘to e, it’s really artistic. ‘Di ba andami ko nang nagawang mga men’s magazine cover na puro sexy, kita u***g, t***l, pero ito may ipapakita pa rin pero may art.”

“So ito maganda, kasi ipu-push ‘yung limits ko eh, kasi ito ‘yung isang bagay na hindi ko pa nagagawa at gusto ko talagang gawin.”

Isa sa mga layout daw ay ang magpapa-lobo siya ng condom. Lahad niya, “Nagawa ko na ‘yan before pero ang kakaiba dito ay naka-madreng costume.”

Hindi ba siya natatakot na batikusin ng mga moralista at ng religious sector dahil magsusuot siya ng costume ng mga madre? Sagot ni Mocha, “Alam mo andiyan na ‘yang pagbabatikos, sanay na tayo diyan. Pero ang advocacy ko at tsaka ng ISDA magazine ay para dito ay i-encourage ‘yung youth, i-encourage ‘yung bawat isa especially women na maging matapang  to express themselves, huwag silang mapipigilan. Halimbawa kung sila ay naabuso, kasi ‘di ba ‘yung double standard na minsan hanggang ngayon ay medyo inferior pa rin ang babae. Pero dapat maging matapang ‘yung mga  kabataan, kababaihan and huwag silang matakot to express themselves kahit ano pang sabihin ng ibang tao.”

Sa September 17 naman, mapapanood natin si Mocha sa pelikulang Alaala sa Tag-ulan para sa Cine Filipino Film Festival kasama si Akihiro Blanco. Ito raw ang kanyang kauna-unahang ‘wholesome film.’

By the way, may nag-text sa amin na may isa raw la-ocean deep (read: laos) na artistang nagagalit daw kay Mocha sa ngayon. Kung anu-ano raw ang mga itinext nitong kasiraan sa singer. Inaantay pa namin ang mga detalye tungkol dito at ang mga nasabing mensahe at isusulat kaagad namin dito. Muwah!!!

Ritz Azul, masaya na extended ang mini-serye

 

SUPER HAPPY si Ritz Azul sa magandang pagtanggap ng viewers sa mini-seryeng Misibis Bay kaya naman na-extend ito for two weeks. 30 nights lang dapat sa ere ang naturang show pero dahil maganda ang feedbacks, ayan at medyo napalawig ang istorya nito.

Text sa amin ni Ritz, “Sa last two weeks po namin, mas marami nang revelations, at twists ‘yung story. At sa last week, aabangan siyempre kung paano magtagumpay si Maita.”

Dagdag pa niya, “Bale sa last week po ng August, ipapakita ang mga best scenes sa Misibis Bay.”

Ayan tutok na, mga kapatid, ha? Abangan ang mas gumagandang takbo ng Misibis Bay gabi-gabi sa TV5.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleMatteo Guidicelli, malinis daw ang hangarin kay Sarah Geronimo
Next articleMichael V, ligtas na sa Dengue

No posts to display